Chapter 12

47 1 0
                                    

KALEIDOSCOPE: CHAPTER 12

I.

CHITTAPHON

Hindi ko kailangan ng tulong niyo. Hindi ko rin kailangan ng kaibigan.”

“I don’t want your assistance.”

“I don’t need your help. I can handle myself.”

Bakit ba gano‘n? Kahit ilang beses ko na sila ipagtabuyan, bakit lapit pa rin sila nang lapit sa akin?

Gano‘n na ba talaga kahalata ang lahat sa mga mata ko?

Gano‘n na ba talaga ako kahina sa mga mata nila?

Bakit ba kasi napakawalang-kwenta kong nilalang sa mundo?

Ano pa ba talagang silbi ko rito sa mundo at nabubuhay pa ako?

“Bitch! Narinig mo na ba ang shocking news?” Bahagya akong napapitlag, agad akong na napatingin sa katabi kong si Jungwoo na ngayo’y namimilog ang mga mata at mukhang gulat na gulat pa rin sa kanyang sasabihin sa akin.

“Huh? Anong shocking news?”

Kaagad naman akong hinawakan ni Jungwoo sa kaliwang pulsuhan ko bago medyo inilapit ang upuan niya sa akin.

“Taeyong Lee and Dongyoung Kim are now officially dating.” Pagkasabi pa lamang ni Jungwoo ng mga katagang ‘yon ay kaagad akong nanahimik habang namimilog ang mga mata ko sa gulat.

So, totoo nga? Totoo nga ang tsismis? Pero bakit gano‘n? Bakit ngayon lang nila nilabas at inamin sa publiko?

Hindi ko ba alam sa sarili ko, subalit agad din na pumasok sa isip ko si Yoonoh Jung at ang napagkasunduan namin ni Xiaojun, dahilan para makaramdam na naman ako ng halu-halong emosyon.

Wala pa naman akong ginagawang kilos. . . ngunit bakit parang ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang masaktan si Jaehyun at magtagumpay ang plano o kondisyon na inalok sa akin ni Xiaojun?

Natatakot ako imbis na maging kampante ako.

Mukhang napansin na ni Jungwoo ang biglaang pagiging balisa ko. Marahan niya akong tinabig sa aking kanang tagiliran gamit ang kanyang kaliwang siko. Mabilis ko naman siyang tinignan, suot ang nagtatanong kong ekspresyon.

“Ayos ka lang ba? Mukhang balisa ka bigla dyan?” Nag-alala niyang tanong saka sinilip pa ng mabuti ang mukha ko, dahilan para agad ko ‘tong iiwas sa kanya.

“I’m fine. Will you excuse me? Kailangan ko lang pumunta ng restroom.” Palusot ko naman na kinagat na lamang ni Jungwoo at tumango-tango kahit na alam kong puno pa rin siya ng pag-aalinlangan o hindi pa rin siya naniniwala sa kasagutan ko.

Dali-dali naman akong lumabas ng classroom namin atsaka kumaripas ng takbo patungo sa classroom na dalawang silid lamang ang layo sa amin.

Ni hindi ko na alam sa sarili ko, para bang kusa na ring gumagalaw ang mga paa ko, pati na rin ang buong katawan ko. Hinahayaan na dalhin ako ng mga paa ko sa tunay na nais kong puntahan. Epekto na rin siguro ng adrenaline rush ko.

Saan ba kukuha ang duwag at mahinang kalooban ko ng lakas ng loob upang magpunta sa classroom ng section A di ‘ba?

Puro Jaehyun. Punong-puno na lamang ng nakangiting imahe ni Jaehyun ang utak ko. Punong-puno ng mga salita’t katagang binitawan niya na talaga namang nakapagpaantig ng puso ko at nakapagpagaan o palakas ng kalooban ko.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon