KALEIDOSCOPE: CHAPTER 26
I.
THIRD PERSON
“Ten-hyung? Gising ka na ba? Kahapon ka pa hindi lumalabas dyan sa kwarto mo. Nag-aalala na kami ni Mama. Ayos ka lang ba talaga?” Rinig na rinig ang bakas ng pag-aalala mula sa boses ng nakababatang si Jaemin na mahigpit pa ring nakahawak sa doorknob ng pintuan ng kwarto ni Chittaphon na halos magiging isang araw na ring hindi nagbubukas o binubuksan. Hindi na niya mabilang pa sa kanyang dalawang kamay kung ilang beses na ba siya nagpabalik-balik sa kwartong ‘to simula kahapon pa para makatanggap lamang ng katahimikan o kaya naman matitipid na sagot mula sa nagkukulong na may-ari bilang kasagutan.
Napabuga siya ng isang mabigat at pagod na buntong-hininga bago muling katukin ang kahoy na pinto, nagbabaka-sakali na sa pagkakataong ‘to ay magbubukas na ‘to o kaya nama’y makakarinig na siya ng isang matinong kasagutan mula sa nakatatanda na simula kahapon ay hindi manlang nag-abalang lumabas mula sa silid upang kumain o maglinis manlang ng katawan.
“Pagod lang ako. Hayaan niyo muna akong magpahinga.” Ito na naman. ‘Yan naman ang mga katagang paulit-ulit niyang natatanggap dito simula pa kahapon sa iisang tono ng pananalita. Hindi niya malaman kung dahil lang ba ‘to sa nakaharang na makapal na pintuan sa pagitan nila at dahil nasa loob ‘to ng isang hindi-gaano kalakihan na silid o dahil sa boses na nito mismo pero para bang paos at basag ang tinig nito. Isa pang dahilan upang lalo lamang daluyan ng pag-aalala ang nakasimangot at salubong na ang kilay sa isa’t isa na si Jaemin na nagsisimula na ring makaramdam ng pagsuko at pagod sa pangungulit at pagsuyo sa nakatatanda na mukhang wala pa ring balak na lumabas mula sa silid.
“Kailangan ba talaga ipasok mo pa ‘yung susi nitong kwarto dyan sa loob?” Medyo nainiis na niyang kuwestyon sa binata atsaka marahan na sumandal sa natitirang espasyo sa doorframe ng pintuan. “Hyung, pumunta ulit dito kanina si Yukhei-hyung, mukhang may gustong sabihin sa ‘yo na importante kaso sinabi ko na natutulog ka pa rin.” Dugtong pa niya sabay nilingon ang nanay niyang tahimik lamang na nakatayo sa tabi niya, puno rin ng pag-aalala ang mukha at tila ba naghihintay din na lumabas na si Chittaphon.
Ilang segundo rin ang lumipas sa paghihintay nila sa magiging kasagutan ni Chittaphon ay tanging katahimikan lamang ang maririnig kaya’t agad na lamang pumeke ng isang ubo si Jaemin bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.
“Paniguradong babalik ulit ‘yon mamaya at baka mamaya tuluyan na niyang sirain at gibain ‘tong pintuan.” Pangungumbinsi pa niya rito na may halong tensyonadong pagbibiro na sinundan ng isang pilit at matabang na tawa tsaka sila nagpalitan ng kanyang nanay ng mga nagpapakiramdaman na mga tingin.
Ilang segundo pa ang natapos na purong katahimikan lamang ang natanggap nila ay bagsak ang mga balikat nilang napagpasyahan na sumuko na lamang sa plano nila.
Subalit nang akmang hahakbang na sana sila papalayo mula sa natukoy na silid ay isang kasagutan naman ang hindi nila inaasahan na narinig.
“Makikisabi kay Yukhei na ‘wag na siya mag-aalala pa at ‘wag na mag-abala pang bumalik dahil tapos na at sinabi na sa ‘kin ni Jaehyun ang lahat.”
Kaagad naman na nangunot ang noo ng mag-ina habang ang kanilang mga kilay ay kulang na lamang ay maging iisa na dahil sa labis na pagsasalubong ng mga ‘to dahil sa labis na pagkalito at pagtataka.
Nagbatuhan muna ang dalawa ng mga naguguluhan at nagtatanong na tingin sa isa’t isa bago sabay na magpakawala ng iisang katanungan na kahapon pa nila batid na marinig ang kasagutan.
“Anong nangyari?”
II.
“I’m home.” Mabilis na napatayo si Dejun mula sa pagkakaupo niya sa sofa nang may matamis na ngiti na nakakurba sa kanyang labi bago kumaripas ng takbo patungo sa front door upang salubungin ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanficKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...