Chapter 3

61 2 8
                                    

KALEIDOSCOPE: CHAPTER 3

I.

CHITTAPHON

Sama ka mamaya?”

“Saan na naman ba ‘yan? If it’s karaoke again, I’ll just pass.”

“Ah. So, tumatanggi ka na ngayon sa grasya? Ang dami kayang babae na sasama mamaya, sabi ni Taeil galing pa raw ‘yon sila sa YG university. Paniguradong magugustuhan ka na naman no‘n nila!”

Isang hindi malaman na tawa naman na mula sa taong nag-aalinlangan ang biglang nangibabaw sa buong pasilyo na katapat lamang ng library.

“Tapos ano? Mananakawan na naman nila tayo, gano‘n? No thanks. May importante rin akong kailangan gagawin kaya pass na talaga ako.” Mas humigpit at bumaon ang mga daliri ng kanang kamay ko sa kasalukuyan kong hawak na libro ngayon dahilan para bahagya ‘tong magusot.

Right. He’s straight. I forgot.

Isang dismayado’t mabigat na buntong-hininga naman ang lumabas mula sa bibig ko saka ako marahan na napasandig sa malambot na sandalan ng inuupuan kong swivel chair.

“Get your heads off the cloud already, Ten.” Bulong ko sa aking sarili kasabay pa nito ang paulit-ulit kong pagkurap sa mga mata ko na nakatutok lamang sa kisame ng silid-aklatan kung saan ako naroroon sa ngayon.

“Hindi mo pa ba sisimulan ang trabaho mo? Baka abutin ka pa ng dilim dito. Nako, balita ko may nagpaparamdam daw dito ‘pag gabi ah.” Mabilis akong napamulat at napaayos sa aking pagkakaupo nang isang malakas na ingay mula sa pagkakatalpak ng libro sa harapan kong wooden desk ang naghari sa library na binabalot ng nakakabinging katahimikan, tulay para magtinginan ang mga iilang estudyante na nandito at abala sa kani-kanilang pag-aaral o pagsusunog ng kilay.

Napatayo na rin ako mula sa komportableng pagkakaupo ko sa swivel chair niya atsaka paulit-ulit na yumuko, senyales na humihingi ako ng paumanhin.

“It’s fine. Basta’t tapusin mo na kaagad ang trabaho mo. Ayaw kong mag-overtime rito, ha. Nandyan naman na yata lahat libro.” Nakangiti niyang giit sabay turo sa kalapit kong cart na puno ng patong-patong na mga libro.

Napatitig naman ako sa mga ‘to atsaka napailing-iling na lamang dahil sa pinaghalong gulat at pamromroblema.

Mukhang mapapatagal talaga ako rito ah.

“Pa ‘no po ‘yung iba na nasa kanila pa?” Naguguluhang tanong ko kay Ms. Seon na ngayo’y nakatingin na rin sa mga estudyanteng itinuro ko.

“Ako na ang bahala sa mga ‘yon. Ikaw na lang muna dyan at baka gabihin ka na.” Tumango na lamang ako bilang tugon saka nagsimulang itulak ang cart sa unang seksyon o hanay ng libro na pupuntahan ko.

Pakshet na malutong, mukhang mapapasabak ako ngayon ah. Palibhasa ay malapit na rin ang examination day kaya siguro hapit at todo na talaga kung magpakadalubhasa sa pag-re-review ngayon ang mga kapwa ko estudyante.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko bago huminga ng malalim habang sinusuri ko isa-isa ang mga librong dala kong nasa cart kung ang isa ba sa kanila’y kabilang sa seksyon ng librong tinitignan ko.

Nagningning naman agad ang mga mata ko nang makakita ng tatlong libro na kabilang dito.

“Three down.” Tuwang-tuwang nakangisi kong sambit at may hagikhik pa talaga sa dulo subalit mabilis din namang naglaho ang galak at saya na nararamdaman ko, pati na rin ang ngiting nakakurba sa labi ko nang lingunin ko muli ang cart na animo’y wala manlang nabawas o nagbago. “Buset. Bakit nga ba ulit ako nag-volunteer na maging gan‘to?” Naiinis kong tanong sa aking sarili.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon