Chapter 20

40 1 1
                                    

KALEIDOSCOPE: CHAPTER 20

I.

CHITTAPHON

Isang pagod at antok na hikab ang kusang lumabas sa bibig ko, sinabayan pa ‘to ng pamumuo ng likido sa magkabila na kapwa pagod at antok ko pa ring mga mata na animo’y uhaw na uhaw pa rin sa tulog at pahinga na kung tutuusin ay hindi ko na maitatanggi na totoo nga naman talaga. Hindi na rin maiwasan ng para bang mabibigat na talukap kong paulit-ulit nang otomatikong kumurap-kurap, maaaring dala ‘to ng labis na pag-aagawan ng tulog at ulirat sa kamalayan ko. Isa rin sa dahilan ng mas lalong pagkirot ng ulo ko ay ang samu’t saring ingay ng boses ng mga kaklase ko, nakakarindi.

Great. My head hurts like hell. My eyes are starting to have unmanageable sore sensation in them. Lastly, my mind, so does my heart, is still distracted by some matter that’s apparently not necessary for school and such.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-uusig ng aking konsensya ko sa akin na sinamahan pa ng utak ko na simula pa kagabi walang humpay sa pagbaha ng mga katanungan sa isip kong punong-puno na ng pagkabagabag. Ang mga katanungan at ideya na mistula ba isang baso ng kape na nilaklak ko upang maging dahilan ng sobrang pagdaloy ng kaba, nerbyos, tensyon sa buong katawan ko, idagdag na rin ang hindi pagdalaw ng antok sa akin kagabi.

Habang ang mga mata ko’y patuloy pa rin sa pag-aagaw buhay nito at ulo ko’y hindi na magkamayaw at makuntento sa marahan na pagkakapatong nito sa ibabaw ng kanang kamay ko ay isang maingat na tapik naman ang dumapo sa kaliwang balikat ko, dahilan para bahagya akong mapapitlag dahil dito bago ‘to wala sa wisyong lingunin.

Alas, here comes an instant interrogation.

Agad kong tinaasan ng aking kanang kilay ang taong kumuha ng atensyon ko, simbolo na tinatanong ko kung bakit niya ako tinawag.

“Didn’t have enough sleep last night?” Jungwoo asked with a hint of concern, a bit of guff and a blank face, while examining my whole dull and restless face as he placed his boyfriend’s bag on the chair that’s only behind my seat and sitting on the remaining space on it. “What happened last night? Jaemin told me something, should I spill it?” He then questioned by a snoopy whisper whilst he dragged his seat right next to mine.

I took a casual peek at him before giving out an answer.

“That boy, really.” Dismayadong saad ko habang umiiling-iling pa at nagsisimula ng paulit-ulit sapakin si Jaemin sa utak ko. “Yeah, sinundo ako nila Dongyoung. Pumunta kami sa hospital then you know, shits happened. Hindi na yata ako matatahimik habambuhay dahil do ‘n.” Nakangiwi at naiirita kong ingit sa aking sarili sabay isinalampak na lamang ng mukha sa ibabaw ng desk ko at sinimulang iuntog ang noo ko rito.

Tangina, naalala ko na naman. Bwisit, Ten. Bwisit na buhay ‘to. Kailan ka ba mapapansin ng swerte? Letche.

“Anong ginagawa mo? Sinusubukan mo ba kung gagana na ‘yang utak mo? Akin na, ako na lang mag-uuntog nyan para sa ‘yo. Thoughtful ako eh.” Taas-kilay at isang maliit na ngiwi ang nakakurba sa labi niya nang sabihin niya ang sarkastikong pag-alok ng tulong na ‘yon. “Dahil ba kay Jaehyun ‘yan?” Dugtong naman niya habang ako’y nanatili pa ring walang-imik at patuloy pa rin sa wala sa sarili at dehado kong isinasagawa.

Just hearing his name makes my heart thwack in mix of different emotions, it seems continual and ceaseless.

“O dahil na naman ‘yan mismo sa sarili mo?” Kaagad akong napatigil sa kalagitnaan ng aking ginagawa. Ang kaninang noo ko na animo’y isang bato na wala miski kaunting kirot na nararamdaman ay mabilis na sinakop ng pinaghalong sakit at isang sensasyon na tila ba isang naglalagablab na apoy, dahilan para agad nitong mapuksa ang pamamanhid na nagsilbing proteksyon sa akin hudyat para mapakurap ako ng ilang beses saka muling bumalik sa reyalidad.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon