KALEIDOSCOPE: CHAPTER 23
I.
CHITTAPHON
Nanatili ako sa ganoong posisyon at ekspresyon. Tikom at wala manlang miski isang imik o salita habang namimilog pa rin ang magkabilang mata sa pinaghalong gulat at naguguluhan sa mga nangyayari at pinagsasasabi niya na mistulang biro o panaginip lamang para sa akin. Nanatili rin ang mga mata kong nakapako sa mga mata niyang mataimtim din na nakatitig sa akin, pilit ko pa ring hinahanap ang bakas ng pagbibiro o pagsisinungaling dito upang kahit papaano ay maglaho kaagad ang pagkasuklam at pandidiri na nagsisimula nang mamuo sa kalooban ko.
I shouldn’t feel this kind of feeling. I shouldn’t feel this. Especially, towards Jaehyun.
Hindi pwede. Hindi si Jaehyun ‘yon. Hindi niya kayang gawin o gumawa ng mga ganoong bagay. Hindi siya ‘yon.
Or atleast, hindi ang Jaehyun na kilala ko sa kasalukuyan ay kayang gumawa ng mga bagay na gano‘n.
B–But. . . it’s so strong. It’s so strong that I couldn’t even do anything to prevent and to stop it. I already knew, any minute, this intoxicating feeling will completely swallow my heart and my mind.
The heavy feeling of repugnance and scorn were like the snake’s poisonous and baneful venom as it flowed like blood through my whole body, completely annihilating my remaining trust for Jaehyun.
I don’t even know how to react properly. I don’t even know how to speak anymore. I don’t even know what words should I say.
Everything’s too befuddling and perplexing to me. Disorienting enough to make my head aches.
Fucked up.
Everything’s too fucked up.
“What’s with that kind of face?” Kaagad akong napabalik sa reyalidad nang isang mainit at malambot na bagay ang pumatong sa kaliwang balikat ko, dahilan din para otomatiko subalit marahas ko ‘tong palisin, dala na rin siguro ng halu-halong emosyon na nararamdaman ko sa kasalukuyan. Nagulat naman si Dejun sa biglaan at kakaibang paraan ng pag-alis ko ng kamay niya mula sa pagkakapatong nito sa balikat ko na animo’y hindi ko na masikmura pang tumagal ‘to sa kalagayan nito kanina. Kahit ako’y hindi makapaniwala sa nagawa ko.
Napahakbang siya papalayo sa akin at papaurong habang suot pa rin ang para bang nasasaktan at nalulungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. Dismayado at habang paulit-ulit na minumura ang aking sarili sa isip ay tumungo na lamang ako at sa wakas ay winasak ang animo’y isang tulay na namamagitan sa mga mata namin ni Dejun.
Gusto ko siyang pigilan. . . subalit, bakit gan‘to?
Bakit gan‘to ang nararamdaman ko?
Bakit parang gusto ko siyang tuluyan ng lumayo na lamang sa akin?
Bakit parang ayoko na lamang makita ang mukha niya?
Gan‘to na rin ba?
Gan‘to na rin ba ang papasok sa utak ko t‘wing makikita ko si Jaehyun?
Nakakatakot.
Nakakatakot ang sarili ko.
An arid and stale laugh suddenly broke the uncomfortable silence between us, also my flood of thoughts.
“You’re disgusted, aren’t ‘ya? You see, Jaehyun is an egocentric down-to-earth guy. He’s a bottom-feeder. He won’t approach you unless you’re useful enough to him or if he saw any usage from you.”
Muli, naramdaman ko na naman ang biglaang paglakas at pagbilis ang bawat tibok ng puso ko. Tila ba isang kabayo na isinalang sa isang karera. Naramdaman ko na naman ang panlalamig ng buong katawan ko, lalong-lalo na ang magkabila kong kamay na nagsisimula na ring pamugaran ng malalamig na likido ng pawis. Naramdaman ko na naman ang hindi ko mawaring nakakasakal na pakiramdam. Naramdaman ko na naman ang pagbabara ng dibdib ko, dahilan para mahirapan ako sa bawat pagsagawa ko ng paglanghap ng hangin.
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...