KALEIDOSCOPE: CHAPTER 14
I.
THIRD PERSON
Taimtim at wala manlang bahid ng kahit isang ekspresyon sa mukha na pinagmamasdan ni Dejun ang dalawang taong mukhang aliw na aliw sa kanilang sari-sariling technique na kasalukuyang ginagawa sa bola ng basketball, ang isa’y manghang-mangha sa kanyang sarili dahil sa pagpapaikot ng bola sa kanyang kaliwang hintuturo, habang ang isa nama’y parang nililibang lamang ang kanyang sarili sa pagpapadaan ng bola mula sa kanyang kanang braso, bandang batok hanggang sa makarating na ‘to sa kanyang kaliwang braso. Mas lalong napasandig at nangalumbaba si Dejun sa railings ng balkonahe ng pangalawang palapag ng gusali kung saan siya naroroon ngayon.
Isang pinaghalong may tabang at pait naman na ngisi ang agad na umukit sa labi ni Dejun.
“Sa ginagawa palang nila sa hawak-hawak nilang bola ngayon ay tila ba lumalabas at nakikita na kaagad ‘yung mga tunay nilang ugali.” Saad niya sa kanyang isip saka bahagyang napailing-iling habang mapaklang tumatawa subalit hindi rin nagtagal ay muli na naman siyang sinapol ng masakit na reyalidad, dahilan para unti-unting siya manahimik at malunod na naman ulit sa malalim na isipin.
Naalala na naman niya ang lahat. Ang lahat ng ginawa niya. Ang lahat ng plinano’t ginawa niya na halos lahat ng taong mahagala’t mahal niya ang naging kapalit, maging pati ang sarili niya. Ang lahat ng pagkakamali at katotohanan na pilit niya pa ring ipinagkakait sa kanyang sarili. Ang bawat salita’t letra na lumabas na mismo mula sa bibig ng kanyang matalik na kaibigan noong araw na ‘yon at mistula ba isang kutsilyo na hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin siyang sinasaksak.
“Kilala mo pa ba ang sarili mo ngayon?”
Mahigpit na napahawak si Dejun sa halos kasing-lamig na rin ng kanyang mga kamay na bakal ng railings nang bumalik na naman ang mga katagang ‘yon sa kanyang utak. Naramdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya, mistula ba ilang minuto na lamang ay tuluyan na ‘tong sasabog.
Parang naging isang sirang plaka na ‘tong paulit-ulit na rumerehistro sa kanyang isip, araw-araw, gabi-gabi. Hindi nito pinapatawad miski ang mga oras na dapat ay nagpapahinga o natutulog na siya, idagdag mo pa ang mga bagay na kasama sa kanyang plano at lahat ay nakita na niyang nangyari sa bahay nitong mga nakaraang araw, akala niya’y ikatutuwa ‘to ng kanyang sarili.
Akala? Oo, akala niya lang. Akala niya magiging masaya siya, akala niya lahat ng ‘yon ang kailangan niya para lamang maibalik niya ang lahat sa dati at maging panatag na ang kalooban niya muli ngunit. . . bakit may sakit at kirot siyang naramdaman no‘ng mga araw na ‘yon? Bakit may pagsisisi at guiltiness?
Gusto niya ng isang mainit na yakap, ‘yung mararamdaman niya ‘yung pagmamahal at pagmamalasakit rito. Gusto niya ng masasakit at tagos sa pusong mga salita subalit tama at may punto naman kahit papaano. Gusto niya ng kanyang matalik na kaibigan. Gusto niya ng kanyang kapatid.
Minsan talaga ay hindi niya mapigilan ang sariling utak o isip na bahain ng mga what if’s.
What if hindi nangyari ang lahat ng ‘yon?
What if hindi nagpadala si Jaehyun sa bugso ng damdamin niya dati?
What if naging makasarili si Jaehyun noon?
What if hindi ginusto ni Jaehyun na maging malapit at magmalasakit sa kanya dati?
What if hindi nagpaanod si Jaehyun sa mga “akala” niya noon?
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...