I.
CHITTAPHON
Letcheng Jungwoo ‘yan.
Muli akong napabuntong-hininga, ni hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na ba ‘yon ginawa.
Naramdaman ko na mas lalo pang lumaki ang kunot na naka-ukit sa noo ko at mas lalo pang nagkasalubong ang mga kilay ko habang padabog ang bawat ginagawa kong hakbang sa aking paglakad.
“Bakit ko pa ba kasi naging kaibigan ang isang ‘yon?!” Inis na inis kong bulong sa sarili ko atsaka iniayos ang pagkakasukbit ng strap ng backpack ko.
Sa totoo lang, hindi lamang puro inis at pagkairita ang nararamdaman ko ngayon, pilit ko lang ‘tong dinaramdam o ipinapakita para sa gayon ay matakpan o ma-overcome ko ang tunay kong nararamdaman talaga.
“Shit naman.” Mariin kong sambit kasabay ng marahan kong pagyuko at paghawak sa tiyan kong nagsisimula na namang manakit na tila ba’y balak na naman nitong ipaluwa sa akin palabas ang kinain kong umagahan kanina lamang, para bang umiikot ‘to at sinikmuraan ako ng isang lalaki na may malaking pangangatawan.
Bwisit talaga.
Mas lumala ang kakaibang pagkirot ng tiyan ko habang rumerehistro sa kamalayan ko na malapit na ako sa aking destinasyon, sinabayan pa ‘to ng labis na pamumuo ng malalamig na butil ng pawis sa magkabila kong kamay.
Naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng magkabila kong tuhod sa bawat hakbang na aking ginagawa.
Naririnig ko na ang samu’t saring ingay sa buong paligid. Nandito na ako.
“Aye, Par! Wait for me!”
“Oh? Nasa‘n na si Sohyeon? Akala ko ba kasabay ka na niya?”
“Pre, ‘wag kayo masyadong lumapit sa ‘kin! Wala pa ‘kong ligo simula kahapon!”
“May assignment ka ba sa Math? Pakopya naman oh, nakatulog na kasi ako kagabi.”
“Papasok kaya si crushie, beshywaps?”
“Isang oras daw delay ang klase ah?”
“Pfft, what the heck, Jae? Blue? Really?”
Kaagad nagpantig ang tenga ko nang marinig ang pangalan na ‘yon, naramdaman ko rin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko, animo’y isang tambol na malakas na binabayo.
No, not the “Sohyeon” one, yes, the “Jae” one.
Mabilis pa sa pagkurap ko sa aking mga mata nung ako’y tumunghay at inilibot ang paningin sa buong paligid na punong-puno na ng estudyante. Sa paglingon ko sa bandang kaliwa ko pakiramdam ko’y tuluyan nang sasabog ang puso ko nang mamataan ko na siya sa wakas.
Sumalubong sa akin ang mukha niyang may naniningkit na mga mata dahil sa kanyang pagtawa ‘to rin ang dahilan para mas lalong lumalim ang dalawang tuldok na naka-ukit sa kanyang magkabilang pisngi.
P U T A N G I N A.
TAO KA PA BA TALAGA?
Bakit parang napaka-unfair ng mundo?
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanficKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...