Chapter 13 "Part 1: Special Report"

21 1 0
                                    

***

Flarein POV

Tahimik kaming kumakain sa hapag kainan ng bigla kong maalala ang report namin mamaya. Kailangan ko nga palang magpaalam sa kanila.

"Ah mom," panimulang bungad ko. Napalingon naman ito sa akin kasunod ng paglingon ni dad at kuya. Diba si mom lang ang tinawag ko? Bakit sila humarap? Don't tell me? Nanay ko rin sila? Aba ang dami naman nagluwal sa akin kung ganoon.

Charot!

"Yes darling?" My mom asked. Paano ko ba ito sasabihin? Wow magpapaalam lang nahirap pa!

Eh sa ang hirap eh!

"Wag mong sabihing nakabuntis ka Flarein?" Si dad. Tangna! Saan niya napulot 'yon? Ang talino ng tatay ko sa part na 'yan ah! Tsk! Naisip niya pa 'yon?

"Dad mukha ba akong lalaki?" Inis na sambit ko. Ang lakas ng topak ng tatay ko ngayong umaga na 'to. Ganiyan ba ang bunga ng pagkain ng bacon?

"Nagbibiro lang naman anak ang seryoso mo kasi eh," minsan ang kulit din ng tatay ko kanino ba 'to nagmana?

Sa'yo! Hoy bakit sa'kin?

"Dad naman..." Then I pouted. Ewan ko ba parang hindi ko kayang makipagsabayan sa biro ni dad ngayon. Napansin kong hindi rin nag abalang tumawa si mom at kuya.

"Ano ba kasi iyon anak?" Si mom habang binibigyan ako ng makahulugang tingin. Ito na po sasabihin ko na.

"Magpapaalam lang po sana ako, malilate po ako ng uwi mamaya eh may report kasi kaming gagawin sa bahay ng kaklase ko. Ay hindi lang po pala mamaya hanggang Wednesday po." Hay sa wakas nasabi mo rin Flarein. Bakit ba ang hirap kapag magpapaalam? Hindi naman masamang magpaalam ah. Pero bakit ang hirap banggitin? Dahil nga may parte sa'yo na nangangamba na baka hindi ka payagan. Kahit importante pa 'yan!

"Saan naman kayo gagawa?" With his famous grimed. Ayan na naman ang istriktong si dad kaya ayokong nagpapaalam kapag nandiyan siya eh.

Pahirapan kasi!

"Sa bahay daw po nila Razvell," sagot ko. Hindi ko kasi alam kung saan ang address eh. Hindi kasi nila sinabi kung saan.

"Sinong Razvell?" Tanong ulit ni dad. Ano ba 'yan dad kakasabi ko lang na kaklase ko. "My classmate," I laconically retorted. Bago pa man magsalita si dad ay inunahan ko na siya.

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now