Chapter 27 "Truth Or Dare"

16 2 0
                                    

***

Flarein POV

Gabi na ng matapos silang maligo. Magluluto pa lang sana kami ng biglang mawalan ng kuryente. Ay takte! Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Exinn. Daig pa niya nirirape eh!

"Ahhh! Flarein natatakot ako baka mamaya may mumu rito." Bulong niya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalaing sa laki niyang n'yan naniniwala pa siya sa multo?

Pfft!

"Omo!" Sigaw ko. Lalong napakapit sa'kin ang bruha. Wala na ngang kuryente makakapit pa siya sa'kin wagas! Haler? Ang init kaya!

"Ba-bakit Flarein?" Ramdam ko ang panginginig niya hahahaa. Para siyang shunga!

"Sino 'yang nasa tabi mo?" Kunwaring kabado kung tanong sa kaniya. Sayang hindi ko makita mukha niya. Ang dilim eh! Malamang walang kuryente eh!

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan Flarein!" Inis na ani nito pero mararamdaman mo pa rin ang kaba niya.

"Teka? Hindi mo pa nga pala alam na may third eye ako," seryoso kung usal habang nakatingin sa kawalan.

Panigurado naiihi na 'to sa takot! Nawindang ako ng biglang may kumalabog. Doon ko lang din napansin na wala na sa tabi ko si Exinn. Tumakbo pala ang bruha. Hahahaa! Paakyat na sana ako ng makasalubong ko silang lahat. Mukhang nagkumpol kumpol sila ng mawalan ng kuryente. Hindi man lang ako nainform?

"Where are you going Flarein?" Tanong ni War.

"I'm about to find you guys." I retorted. Napansin kong todo kung makakapit si Exinn kay Hyle. Para ayaw niyang pakawalan. "Huwag na nating isama 'yang si Flarein!" Maktol ni Exinn. Hahaa takutin ko kaya lalo 'to?

"Bakit naman?" Takang tanong ni Hyle. Naweweirduhan na siguro 'tong mga lalaki sa'min.

"Nakakakita 'yan ng mumu huhuu." Para siyang bata. Sarap niyang batukan ng matauhan! Lakas tama eh!

"Is it true Flarein?" Juck jittery asked. Hala! Ang yabang yabang tapos isa rin palang takot sa multo. Anak ng tinapa nga naman oh!

Pfft!

"Don't tell me you also scared to wraith?" Nandidiring tanong ni Exinn. Obvious ba?

"Of course not!" Depensa pa nito. Talaga ba!?

"Juck may nakayakap sa'yong batang nakaputi." Pananakot ko. Tawa kami ng tawa ng biglang sumakay si Juck sa likod ni Tarokko. Naaninag ko ang matinding kaba sa kaniyang mukha. Hindi pala takot ah?

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now