Chapter 20 "Feast"

16 2 0
                                    

***

Flarein POV

Grabe ang bilis ng araw aalis na pala kami mamayang gabi. Kahapon pa lang ayos na ang mga gamit ko. Masyado kasi akong naexcite eh. Paano ba naman pinayagan ako.

Flashback...

Pagkauwi ko galing kila Raz mabilis kong hinanap kila manang sila mom.

"Ah manang Sonya nandito na po ba sila dad?" Tanong ko sa kaniya. Gusto ko na kasing malaman kung papayagan ako. Sana payagan talaga ako.

"Wala pa anak eh malilate raw sila ng uwi ngayon may biglaan daw kasing meeting," tugon naman nito.

"Ah gano'n po ba sige po salamat," dismayado kong usal. Tumango na lamang ito sa'kin biglang pagtugon. Umakyat muna ako sa itaas para makapagbihis. Nagpahinga muna ako saglit dahil nakaramdam ako ng matinding pagkaantok. Isang katok ang nagpagising sa'kin.

"Darling wake up foods are ready," my mom. Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. Nandito na sila! Omo! Sana payagan ako shemay!

"Yes mom thanks," I replied. Bumangon na ako upang makababa na. Grabe sabi ko idlip lang pero mukhang napasarap tulog ko. Gabi na eh! Takte! Nang makarating ako sa hapag kainan napangiti ako ng makita kong hinintay nila ako. Hindi pa kasi nila ginagalaw ang pagkain sa kanilang harapan. Patapos na kami sa pagkain ng magsalita ako. Talagang nilakas ko ang loob ko kasi sayang kaya 'to.

"Ah mom, dad." Panimula ko. Napalingon naman sila sa'kin ng magsalita ako. Bakas sa mukha nila ang pagtataka.

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now