***
Exinn POV
Today is the presentation of our report and obliviously Flarein is still missing. Sana naman pumasok siya ngayon. Sayang naman kung hindi siya makakapagreport. Nang makarating ako sa room agad hinanap ng mga mata ko si Flarein. Nagbabakasakali na pumasok na siya. Namimiss ko na rin talaga 'yong babaeng 'yon eh. Ngunit nalungkot lamang ako dahil kahit anino walang Flarein na nagpakita. Dismayado kong binati si Hyle.
"Good morning Hyle," I disappointedly uttered.
"Oh anyare sayo ang aga aga nakasimangot ka?" Takang tanong sa'kin ni Hyle.
"Eh paano hindi pa kasi pumapasok si Flarein," malungkot kong hayag. Bigla na lamang natawa si Hyle na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Luh baliw lang?
"What's funny?" I blurted out. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Eh kasi naman si Flarein panira!
"Nothing! Ah by the way I have a surprise for you," then she giggled.
"Ano naman 'yon?" Bigla na lang siyang nagsenyas kung saan. Anong ginagawa niya?
"Tada!" Biglang lumitaw si Flarein na nakangiti sa'kin at lumapit siya tapos mahigpit akong niyakap. Ilang segundo akong hindi nakagalaw dahil sa pagkagulat.
"I missed you Exinn," she forlornly uttered. Gusto kong magkunwari na galit ako pero mabilis akong nakaramdam ng awa. Halata pa rin kasi na kakagaling niya lang sa sakit medyo matamlay kasi siya. Napansin ko rin na namayat siya.
"I missed you too Flarein," then I hugged her back. Nang makabitaw kami sa isa't isa doon ko lamang siya napagmasdan. Medyo namumutla pa ang labi niya at mapupungay rin ang mga mata niya. Talaga bang ayos na siya?
"Are you sure your okay Flarein?" Nag aalala kong tanong. "Yes why?" A query look flashed on her.
"You looked pale," I stated. Perhaps because she just recovered.
"Ano ka ba Exinn syempre kakagaling niya lang sa sakit," sabat naman ni Hyle.
Sabi ko nga.
Hindi namin napansin na nakapasok na si miss sa room. Marahil sa walang humpay na kwentuhan naming tatlo. Nang makapasok si miss nagsimula na agad siya sa pagtawag ng unang magrereport sayang daw kasi sa oras kung hindi niya bibilisan. Nang matapos siyang magpaliwanag sakto naman ang pagdating ni dean. Doon lang ako nakaramdam ng kaba syempre dean 'yan eh mataas ang level of expectations n'yan. Sinenyasan kami ni Flarein na magkumpol kumpol. Agaran din kaming sumunod sa kaniya.
"Pasensya na ah hindi na ako nakatulong sa inyo." Nahihiya nitong panimula sa amin.
YOU ARE READING
From The Ground Up (On Going)
Teen Fiction*** I thought I'd already experience everything when I was in highschool and I guess I'm not. Everything in my life changed as I came in Carrivon University. I experienced a lot of things that I never thought I could experienced. One of that was whe...
