Chapter 17 "Part 2.3: Special Report"

16 2 0
                                    

***

Loughvar POV

Pagkatapos ng mahabang pagtatrabaho nagmadali akong umuwi para magpahinga. My co-employees wanted to have a dinner date but I declined. I'm too tired and I really wanted to rest earlier. But before I sleep, I suddenly remembered Flarein. That's why I called her. It was almost 5 rungs but she didn't answered it. Bigla kong naalala na baka nagtampo siya sa akin. Marahil dahil kanina sobrang nagmamadali talaga kasi ako no'n dahil sunod sunod ang mga meetings na kailangan kong puntahan. Bigla ko rin naalala na iba pala ang oras dito kesa doon. Mas late pala ng ilang oras doon kaya marahil tulog na iyon.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Kahit magbihis hindi ko na nagawa. Pero dahil sa tunog ng aking telepono napabalikwas ako.

Gabing gabi na ah bakit tumatawag si mom? "Mom?" Takang tanong ko sa kaniya. I didn't expect that she'll call me this late. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin ito sumasagot. Isang paghikbi ang aking narinig. Bigla na lang akong kinabahan ng matindi.

May nangyari bang hindi ko alam?

"Mom?" Pag uulit ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya bago siya nagsalita.

"A-anak s-si F-Flarein..." Nanginginig nitong pahayag. Biglang tumindi ang tibok ng puso ko halos marinig ko na ito dahil sa lakas.

"What happened to Flarein?" I anxiously asked.

"She's c-comatose..." Malakas na hagulgol ang pinakawala ni mom.

No no no...

Nananaginip ba ako? Hindi ito totoo! "Mom nagbibiro ka lang diba?" Mahinahong tanong ko. Please! Sana isang malaking biro lang 'to!

"N-no darling..." Then I heard mom's cracked voice.

Naitapon ko bigla ang aking telepono dahil sa inis. Malakas na iyak ang aking pinakawala. Wala na akong pakialam kahit may makarinig sa akin. Nanginginig akong inayos ang aking mga gamit. I need to go home. I need to see her. Please baby don't leave us okay? Please be strong. Mas lalo akong kinabahan ng maalala kong wala nga palang magagawa ang kahit sinong doctor sa kaniya dahil sa bwisit na allergy niya.

FUCK!

Napamura na lang ako kahit hindi naman talaga ako nagmumura. I was thankful 'cause I booked a flight even it's already late. Wait for me baby kuya is coming. Nang makarating ako ng Pilipinas agad akong tumawag kay mom para tanungin kung saan si Flarein nakaconfined. Pawisan akong nakarating sa silid niya. Halos takbo na ang aking ginawa makarating lang ako ng mabilis sa kaniya. Nanghina bigla ang mga tuhod ko ng tumambad sa akin ang walang malay kong kapatid. Namumutla ito ng sobra at parang hinang hina. Walang kahit anong nakasaksak sa kaniya maliban sa dextrose na malamang tubig lang ang laman.

Para lang siyang natutulog. Sunod sunod ang luhang pinakawalan ko dahil sa awa. Kung may magagawa lang si kuya sana hindi na aabot sa ganito. Sana hindi ka d'yan nakaratay ngayon nakikipaglaban para mabuhay. I'm sorry kuya can't do anything to save you baby...

"Anak..." Mabilis na lumapit sa akin si mom at niyakap ako ng mahigpit. Sinuklian ko rin ito ng isang mahigpit na yakap at halik.

"Anong nangyari?" Maluha luha kong tanong sa kaniya. Napansin kong nakatingin lang si dad sa kapatid ko habang hawak nito ang kamay.

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now