Chapter 23 "Alyu"

19 2 0
                                        

***

Flarein POV

Matapos kumain tinulungan ko si aling Alyana na magligpit ng pinagkainan. Tumanggi pa sana siya pero pinilit ko talaga. Nakakahiya naman kasi diba? Wala namang hugasin dahil sa dahon ng saging kami kumain. Ang saya nga eh parang nagboodle fight kaming apat.

"Ate Flarein tumama po kayo ta'kin, ililibot ko po kayo ta buong itla." Usal ni Alyu. Parang nanlaki ang tenga ko dahil sa narinig. Gusto ko 'yan!

"Oo nga tutal ngayon pa lamang siya nakapunta rito," dagdag pa ng kaniyang ina.

"Sige po," excited kong tugon. Pang instragam 'to! Kaso hindi ko pala dala phone ko huhuu. Kinalabit ko si War upang itanong kung dala niya 'yong phone niya.

"Dala mo ba phone mo?" Tanong ko. Sana naman oo. Sayang eh ang ganda pa naman ng lugar nila.

"Oo bakit?" Parang automatikong lumapad ang ngiti ko. Ayon buti naman! Naalala ko pala kasi na nasa kwarto ko 'yon ng hinila ako nitong kutong lupa na 'to papunta rito.

"Can I borrow it? Hindi mo ba gagamitin?" Mabilis pa sa alas kwatro nitong inilahad sa'kin at umiling.

Great!

Niyaya ko silang tatlo na magpicture. Sa lahat ng litrato ko kasama ko si Alyu. Wala lang nakakaganda kasi kapag kasama ko si Alyu. Buti na nga lang hindi naiinis si War kasi madalas siya ang taga kuha namin. Hahahaa! Nandito kami ngayon sa likod nitong isla. Grabe ang ganda kasi meron ditong sandbar. Sobrang asul din ng tubig dito. Nagkayayaan kaming maligo sa dagat kahit wala kaming pamalit ayos lang! Nakakahiya lang dahil hindi ako marunog lumangoy habang 'yong dalawa kong kasamang lalaki hala ayon nagpapagalingan sa paglangoy samantalang ako nandito sa mababaw nagbababad lang sa tubig.

Gumawa na lang ako ng sand castle. Para hindi ako mabagot, 'yong dalawa kasing lalaki iniwan akong mag isa rito huhuu. Lol! Maya maya naramdaman ko na lang na lumapit ang dalawa sa'kin kaya nilingon ko sila.

"Ate tara tama ka ta'min. Tuturuan ka namin na lumangoy. Kaming bahala ta'yo diba kuya War?" Sabay tingin ni Alyu kay War. Ngumiti at tumango naman si War bilang tugon sa bata.

Hmm?

Napapadalas ang ngiti niya ngayon ah? Anong meron? Nagpatianod na lang ako kay Alyu. Nang abot leeg ko na ang tubig bigla na lang akong napakapit kay War sa kamay niya at napapikit. I started to feel anxiousness that my body is now trembling. It's turned out that I'm wrapping now my arms around him from his back. I actually don't feel any awkwardness in myself. Even himself perhaps because he was too shocked from what I've done. Halos hindi na maabot ng mga paa ko ang buhangi dahil doon mas naramdaman ko na hindi ko kaya 'to. I also started to panic even I know that Alyu and War was their to me.

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now