***
Flarein POV
Nakasimangot ako habang nasa byahe kami. Paano ba naman si kuya ang lakas ng trip. Mang asar ba naman sa harap nila. Nakakahiya tuloy kay Raz. Ano na lang ang iisipin niya bukod sa amazona ako pg din ako gano'n? Huhuhuu! Parang gusto ko na lang tuloy matulog magdamag hanggang sa makarating. Hindi ko rin naman maenjoy ang byahe.
"Hoy Flarein bakit mukha kang nabagsakan ng langit at lupa?" Tanong sa akin ni Exinn.
"Huh hindi ah," depensa ko. Iintrigahin na naman ako nito kapag sinabi ko ang totoo at hahaba lang ang usapan.
"Nga pala marami akong dalang pagkain gawa ni mom. Gusto niyo?" Hindi ko na lang siguro dadamdamin pa 'yon. Mamimiss ko rin 'yong pang aasar niya eh aalis na pa naman siya bukas.
"Nagtanong ka pa talaga ah. Nasaan ba?" Lakas loob n'yang ani. Sabi ko nga hindi sila marunong tumanggi. Malamang sa alamang pagkain 'yon! Sila pa ba? Kinuha ko iyon at ipinamahagi sa kanila. Tuwang tuwa naman ang mga timang.
"Awng shorap tsalagya ng luwto niyh tiwta," sambit ni Tarokko habang punong puno ang bibig. Halata nga! Napalayo ako ng bongga ng tumalsik ang pagkaing nasa bibig n'ya sa aking banda.
Ewww!
"Huwag ka ngang magsalita habang kumakain," inis kong usal. Muntik muntikan ng maglapat 'yong nginunguya niya sa balat ko.
"Tell to tita that the foods was so good and we're so thankful that she spent effort for preparing us," Waronn uttered then he winked on me. Errrr! Para saan 'yon?
"Uyyyyy..." Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong kiniliti nila Hyle at Exinn. "Aaaaahh!" Malakas na sigaw ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Napatakip na lang ako ng mukha.
Nakakahiya kaya!
"Please stop teasing my babe," War retorted. Napaharap ako sa kaniya ng marinig ko ang salitang 'babe'. Anong sabi niya!?
"Ayieeee!" Sabay hiyawan nila sa'min. Anong trip na naman 'to kutong lupa huhuu.
"Kayo na?" Kinikilig na tanong ni Tarokko habang diretsong nakatitig sa'ming dalawa. Napakamot ulo na lang si War sa kanila. Ayan na naman 'yang kuto niya. I blinked few times before I reacted.
"HINDI AH!" Sigaw ko habang namumula ang aking pisngi. What the heck?
"Uy defensive!" Asar ni Exinn.
Arrrgh! Ano bang pinagsasabi nila? Kumindat lang, jowa na agad? Hindi ko alam dahil bigla na lang akong napasulyap kay Raz. Umiwas siya ng mapansin niyang tumingin ako sa banda niya. Bakit ganiyan siya? Medyo nasasaktan na ako kasi parang kanina pa siya iwas ng iwas sa'kin simula sa bahay. Wala naman akong ginawang mali sa kaniya. Sa pagkakatanda ko hindi ko pa naman siya nakakausap simula kanina. Ewan ko ba para talagang may kakaiba sa kaniya ngayon. Nabalik ako sa wisyo ng biglang may bumulong sa'kin.
YOU ARE READING
From The Ground Up (On Going)
Teen Fiction*** I thought I'd already experience everything when I was in highschool and I guess I'm not. Everything in my life changed as I came in Carrivon University. I experienced a lot of things that I never thought I could experienced. One of that was whe...
