***
Juck POV
Isang araw ng hindi sila nagpapansinan este kami pala. Grabe kasi 'yong pag aalala namin lalo pa't kakagaling lang ni Flarein sa ospital. Akala namin baka napahamak o may nangyari ng hindi maganda sa kaniya. Isama mo pa si koreano na hindi namin macontact.
Flashback
Tanghali na ng mapansin naming wala si Flarein at Waronn. Akala namin pumunta lang sa dalampasigan. Pero noong hinanap namin para sana sabihan na kakain na ay wala sila kahit sa mga kwarto. Halos masira kagwapuhan ko kakahanap sa kanila. Kahit sa mga maliliit na sulok. Muntik pa ngang masunog ang balat ko dahil sa tindi ng init sa labas.
Pambihira!
"Nasaan na ba nagsusuot ang mga 'yon!" Inis na bulyaw ni hapon. Kahit ako naiinis na wala man lang kasing pasabi. Aba malay namin kung nagtanan na 'yong dalawang 'yon.
"Hay ewan ko ba d'yan sa dalawang 'yan. Akala ba nila nagtataguan tayo?" Sana man lang nagpaalam sila. Edi hindi na sana nababawasan ang kagwapuhan ko!
Psh!
Napansin kong kanina pa tahimik si lover boy. Para rin siyang hindi mapakali. May sili ba pwet nito? Naghiwa hiwalay kami nila Exinn. Kaming mga lalaki sa kaliwa at sila naman sa kanan. Pakain na sana kami kaso naantala dahil sa kanila. Hindi ko na rin kasi macontact si koreano tapos ito namang si Flarein naiwan daw ang phone sa kwarto nila. Hay papangit ako dahil sa dalawang 'to! Buti na lang naalala ko na natural pala ang kagwapuhan ko hahaa! Pasado alas dos na ng makabalik kami.
YOU ARE READING
From The Ground Up (On Going)
Teen Fiction*** I thought I'd already experience everything when I was in highschool and I guess I'm not. Everything in my life changed as I came in Carrivon University. I experienced a lot of things that I never thought I could experienced. One of that was whe...
