Chapter 12 "Adhesion"

25 1 0
                                    

***

Flarein POV

Nawala bigla 'yong pagkainis at kaba ko dahil sa kuya ko. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan kung saan. Nasa highway pa rin kami pero hindi na ako pamilyar sa daan na 'to ngayon lang ako nakadaan sa lugar na ito. Maya maya napansin ko na ang mabundok at mapunong daan. Wala na kami sa manila mukhang nasa probinsya na ata kami. Lalo tuloy akong naexcite. Kuya kasi eh! Binaba ko ang bintana ng sasakyan para malanghap at damhin ang simoy ng sariwang hangin. Masyadong tahimik ang paligid nakakapanibago. Bigla ko tuloy namiss ang probinsya namin pati na rin sila lola.

"Hindi pa tayo nakakarating pero mukhang nag eenjoy kana." Panimulang ani ni kuya. Agad akong napalingon sa kaniya ng magsalita siya. Nakangiti akong humarap sa kaniya.

"Ang ganda kasi kuya namiss ko ang simoy ng hangin sa probinsya," maligayang usal ko. Para akong uhaw sa probinsya minsan lang din kasi ako makauwi kaya siguro ganito na lang ang aking reaksyon.

"Siguradong mas matutuwa ka pa kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin," ano ba 'yan si kuya! Mas lalong naexcite tuloy ako. Hindi na ako makapaghintay!

Be 'yen!

Ibinalik ko ang sarili sa dating pwesto kanina at pinagpatuloy ang paglanghap ng hangin ng biglang huminto ang aming sasakyan. Halos dalawang oras bago kami nakarating. Nakahinto kami sa isang malawak at tahimik na hardin. Medyo madilim din ang paligid at tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa daan. Hindi kaya may multo rito? Bigla akong napalunok ng matindi sa aking naisip. Sisipain ko talaga si kuya ng malakas papuntang Mars kapag meron! Para kaming nasa probinsya o nasa probinsya na talaga kami. Nilingon ko ang buong paligid at napansin kong puro mga puno at halaman lang ang makikita sa paligid. Walang kahit na anong nakatayo kahit nga bahay o kubo wala eh.

Yung totoo kuya magdidinner ba tayo o tatambay lang? Charot! Alam niya talaga ang lugar na gusto ko. Tahimik kaming bumaba at naglakad. Habang naglalakad napansin kong unti unting lumiliwanag ang paligid. Bigla na lang akong napatakip ng bibig ng makita ko ang kabuohan ng paligid, naglipana ang nag gagandahang bulaklak na animo'y sumasayaw sa indak ng tutog ng hangin. Nagulat pa ako ng biglang pumitas si kuya at ibinigay sa akin, alangan ko naman itong kinuha. Taka ko siyang tiningnan.

"Hindi ba tayo papagalitan?" Saad ko. Ayokong masira 'yong moment namin ni kuya L ngayon dahil lang sa pagpitas ng halaman noh. Pero wala naman nakakita samin eh. Kami lang ata ang tao rito. Hindi kaya arkilado niya 'tong buong lugar? Aba yamanin na talaga ang kuya ko kung ganun! Iba talaga pag vice president!

Big time!

"Nope it's okay baby. Pwede ka pa ngang pumitas ng kahit na anong gusto mo," biglang lumawak ang ngiti ko dahil sa aking narinig. Teka? Hindi naman ako nabingi? Kakalinis ko lang din kanina!

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now