Chapter 31 "Date"

19 2 0
                                    

***

Flarein POV

Ilang linggo na rin matapos ang ginawa kong pagkidnap sa kanila. Nakakatuwang maayos at balik na ulit kami sa dati. Mas matatag at mas matured na nga lang kami ngayon sa pag iintindi sa isa't isa.

"Flarein nagawa mo na ba 'yong homework sa English?" Tanong sa'kin ni Hyle. Ako pa ba?

"Yeah why?" Siguro hindi pa 'yan nakakagawa. Pusta mangongopya 'to? "Patingin!" Usal niya pa. Anong patingin baka pakopya? Naku alam ko na 'yang modus na 'yan. Gamit na gamit na 'yan! Lol!

Mwahahaa!

"Patingin nga ba?" Makahulugan kong sambit. Sanay na rin naman akong tamad niyang babaeng 'yan. Ay mali may mas tamad pa pala. Kasi 'yong ISA d'yan literally na hindi gumagawa. Ewan ko na lang talaga kung makakapasa 'yon! Baka sa pagkakataon na 'yon ay maniwala na ako sa himala!

"Pakopya hehee..." Oh diba? Masyado ko na silang kilala, hindi sila tulad ng iba na mahirap basahin. Paano ba naman laging sila ang kasama ko. Hindi ko pa nga masyadong kilala ang ibang kaklase namin eh. Hindi kasi kami mapaghiwalay. Minsan nga nauumay na ako sa kanila.

Choss!

"Flarein..." Si Juck.

Ay mali pala hindi lang 'yong dalawa dahil kasama 'tong mga lalaking 'to! Simula ng dumating sila sa'min naging magulo na ang buhay ko. Kung hindi mangungulit, mang iinis, mang aasar at ng dahil din sa kanila mas lalong umingay ang mundo ko. Triple kasi ang kaingayan ng mga 'yan kila Hyle. Pero ayos lang nasanay na rin ako.

"Oh..." Sabay abot ko ng notes ko. Alam ko na rin kasi 'yang boses na 'yan. Mangongopya 'yan! Ewan ko ba? Ang tatalino naman ng mga 'yan pero ubod ng katamaran. Mas matalino pa nga 'yan kesa sa'min mga babae eh.

"Thank you Flarein! Dabest ka talaga!" Sambit ni Tarokko sabay agaw sa kamay ko.

Ayos rin 'tong kurimaw na 'to mas walang hiya pa kesa kay Juck. Hindi na rin naman nakapagmaktol pa si Juck dahil laging ganiyan naman niyang si Tarokko. Nang dumating si miss ay sakto tapos na rin ang mga kurimaw sa pagkopya. As usual miss Vali is so boring. Halos makatulog na nga ako kakakinig sa kaniya. Hindi ko na nga namalayan na nagdismiss na pala si miss. Bago pa man ako makatayo ay biglang may humila sa akin. Pag angat ko ng ulo ko ay si War ang nakita ko. Siya na naman!? Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Hoy War saan mo na naman ako dadalhin?" Tanong ko sa kaniya. Anong trip na naman kaya 'to?

"Just wait and see it for yourself." Then a grinned flashed on his face.

Okay? Hindi na ako nagsalita. Teka? Parang alam ko na kung saan kami patungo. Kami lang ulit ang tao? Malayo pa lang tanaw ko na ang nakalatag na mga pagkain. Hinanda niya ba 'yan? Huminto nga kami roon. Kita ko ang samu't sari mga putahe na nakahanda. Parang picnic lang ang peg. I wandered to see if we're just two here. Kasi sa palagay ko hindi lang pangdalawahan 'tong pagkaing nakahain. Ang dami kaya! Mukha naman akong pg kung uubusin ko 'to!

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now