***
Flarein POV
Aaarrrggghhh!
Ano na naman ba 'yon Waronn? Nakakailan kana ah! May balak ka ba talagang hindi na ako patulugin gabi gabi?
Balak mo bang mamatay ako ng dilat!
Oo tama kayo ng pagkabasa hindi na naman ako makatulog. Punyeta talaga 'yong mokong na 'yon! Palibhasa hindi siya ako! Ano bang nakain niya at ginawa niya 'yon!
Sus kunwari ka pa Flarein kinilig ka naman!
Ano ba isip manahimik ka ngang kokote ka bigwasan kita d'yan eh!
"I just can't afford to see my babe weeping..."
Grrrrrrrrr!
Ano ba utak makisama ka naman! May balak ka bang gawing baliw ako?
Magpasalamat ka na lang kasi. Ang sweet kaya n'ya concern pa s'ya sayo. Mahirap makahanap ng ganong lalaki noh!
Nantitrip lang 'yong mokong na 'yon! Nakonsensya siguro! Kaya pwede ba manahimik kang utak ka at baka maitapon kita sa mars ng wala sa oras!
Sige nga?
Arrrggghhh! Kingina 'to!
Dadatnan ako nito ng wala sa oras eh! Kastress!
Halos magpagulong gulong ako sa aking kama dahil sa inis sa kaniya pati sa sarili ko. Isa ka rin kasi Flarein eh may pagtakbo at pag iyak iyak ka pang nalalaman d'yan!
Anong kadramahan 'yon? Aber?
Eh sa naiyak ako eh anong magagawa ko?
Tigilan mo na 'yan Flarein baka matuluyan ka na talaga!
Nababaliw na ata ako!
Huhuhuu! Ayoko ng pumasok! Wala na akong maihaharap na mukha sa kanila lalo na sa kaniya.
Panigurado pagtitripan na naman ako ng dalawang may saltik kong kaibigan bukas. Bangag na naman ako eh! Balak ko pa atang mag ipon ng sako sakong eye bags!
Teka nga?
Anong oras na kaya!
Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader para makatulog.Eh kasi naman hindi ko na alam ang gagawin ko. Hi naman ako pwedeng uminom ng gamot dahil bawal. Hindo ko na alam kung anong oras ako ankatulog basta naramdaman ko na ang ang antok.
***
Jeez!
Ang sakit ng ulo ko! Kinapa ko sa tabi ko ang orasan at halos magkanda lasog lasog 'to dahil sa pagkahulog. Alam niyo kung bakit? Dahil ala una lang naman ang oras.
Tangna! Late na naman ako!
Bakit wala man lang nagtangkang gisingin ako?
Mabilis pa sa alas kwatro akong nagbihis at bumaba para makapasok. Kahit sobrang late na kailangan ko pa ring pumasok.
Tsk! Nayare na!
Bawal pa namang hindi pumasok kay Miss Karavao.
Oh diba parang kalabaw lang si miss. Pfft!
"Oh? Flarein anyare sa'yo bakit sobrang late ka ata?" Bungad na tanong ni Exinn. Bakit ba nakalimutan kong maghanda ng ipapaliwanag sa kanila?
Sobrang tanda mo na ba Flarein para maging makakalimutin?
"Girl thing... Sakit sobra ng puson ko eh," paliwanag ko. Pusta ako ng bente gagana 'to.
YOU ARE READING
From The Ground Up (On Going)
Teen Fiction*** I thought I'd already experience everything when I was in highschool and I guess I'm not. Everything in my life changed as I came in Carrivon University. I experienced a lot of things that I never thought I could experienced. One of that was whe...
