Chapter 19 "Triumph"

18 2 0
                                    

***

Flarein POV

Ayan na iaanunsyo na kung sino ang nanalo at kung ano ang mapapanalunan. When our dean already left our room, miss announced the grand price for the winning group.

"Okay before I announce the winner. I would like to congratulate you all for the stunning effort that you gave for this report. Thank you," then miss gave us around of applause. Mukhang sobrang namangha at nagustuhan talaga ni miss ang ginawa ng bawat isa.

"I know everyone will be very blithely because of this price and the price would be a one week vacation in Safaya. Don't worry because it will held next week and our dean approved it." Miss ecstatically added. Malakas na hiyawan ang nangibabaw sa loob ng aming silid dahil sa narinig. Goodness! Bakasyon engrande kami kapag nagkataon?

Waaahhh!

"It was actually hard to choose because everyone was made a terrific report but of course their was a group that really stand out. Not just for me but also to our dean and that group is..." Miss uttered in a serious tone. Omo! Sino kaya 'yon? Kinakabahan ako shemay!

"Group number..." Hala lalo tuloy akong kinabahan ang patrill ni miss eh.

Nabaling ang aking atensyon sa mga kaklase ko. Seryoso ang halos lahat at mukhang nagdadasal naman ang iba. Kahit sino naman kasi hindi tatanggi sa ganitong grasya noh! Ang bongga kaya. Nawindang ako ng mapalingon si miss sa'ming banda at ngumiti. Hindi kaya kami ang nanalo? Huwag ka nga munang mag assumed d'yan mamaya mahopia ka! Eh kasi naman si miss kung makangiti wagas hindi ko tuloy mapigilang umasa huhuu.

"I hope this group will enjoy, refresh and have fun 'cause the main purpose of this vacation was to leave for a while all your stress and problems in the school." She added. Ang tagal namang ianunsyon ni miss natatae na ako kakahintay eh!

"The luckiest group is group number seven. Razvell, Waronn, Exinn, Juck, Hyle, Tarokko and of course their leader Flarein. Congratulation!" Pare pareho kaming naistatwa sa upuan dahil sa matinding pagkabigla. As in? Kami talaga? Kyaaahhh! Wala ng bawian 'to ah! Mabilis na nakabawi si Tarokko sa pagkawindang at tumayo upang magtatalon sa tuwa.

"Yesssss!" He blissfully uttered.

Natauhan naman kami dahil sa pagsigaw niya kaya pati kami napagaya na rin sa kaniya. Para kaming mga bata na nanalo ng laruan sa isang paligsahan. Malakas na palakpakan din ang iginawad sa'min ng aming mga kaklase. Bakas din sa kanila ang pagkagalak para sa'min. Pero syempre meron ding malungkot dahil hindi sila ang nagwagi. Hindi namin inakala na kami ang mananalo kahit kulang sila dahil wala ako nagawa pa rin nilang pagandahin ang aming report.

Kung tutuusin lahat ng grupo pinaghandaan ito at talaga namang binigay nila ang lahat upang maging maganda ang bawat presentasyon. Bawat grupo mayroong kaniya kaniyang pakulo na inihanda. Nakakatuwang nagustuhan ng aming dean at ni miss ang aming mga gawa dahil halata sa kanila ang galak at pagkamangha. Teka? Papayagan kaya ako?

Parang nawala lahat ng saya ko dahil sa aking naisip. Huhuu! "Anyare sa'yo bakit parang nalungkot ka ata?" Tanong sa akin ni Hyle.

"Huh? Hindi ah mukha ba akong malungkot?" Pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Huwag mo muna kasing isipin 'yon Flarein. Baka pati sila maapektuhan ng dahil sa'yo.

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now