Chapter 26 "Unknown"

19 2 0
                                    

***

Flarein POV

Sa totoo lang hanggang ngayon palaisipan pa rin ang mensahe na 'yon sa akin. Paano niya nalaman ang pangalan ko o baka naman kapangalan ko lang. Wala rin kasi akong load para makapagreply doon. Ngayong umaga pa lamang kasi nakarating ang load galing kay mom. Marahil ay sobrang naging busy siya kaya ngayon lang. Hindi ko alam kung bakit kabado ako habang nagtitipa ng mensahe para sa kung sino man siya. Parang may kakaiba sa aking pakiramdam at hindi ko ito maipaliwanag.

To: Unregistered number

Who are you?

Sent!

Naligo muna ako at nag ayos bago bumaba. Wala na kasi ang dalawa kung kasama rito. Ang aaga kasi ng mga 'yon gumising hindi kinakaya ng level ko! Habang nagpupunas ako ng buhok ay nahagip ng aking mata ang phone ko. Kaya naman agad ko itong kinuha para makita kung nagreply ba siya. Ewan ko ba pero nadismaya ako ng makitang wala ni isang reply sa screen ng phone ko. Weird! Bumaba na lang ako para hanapin sila. Ayoko ng hintayin baka pumuti na ang uwak hindi pa rin 'yon magreply. Baka nga wrong send lang talaga.

Hay...

"Good morning babe," War uttered then he gave me a sweet beam. Buti na lang walang langgam ngayon!

"Good morning," I replied and smiled back. Hindi ko na lang din pinansin ang pagtawag niya ng babe. Ewan ko ba parang sanay na ata ako. Wala na kasing inis kapag tinatawag niya ako ng babe alam niyo 'yon? Parang natural na lang.

"Hoy lovebirds ang aga aga ang kokorni niyo. Mahiya naman kayo sa aming mga single! Tse!" Bungad na usal ni Exinn. I mocked when she turned back to us and flip her hair. Mukha siyang tanga!

I heard someone chuckled. "So you liked to call us lovebirds huh?" War muttered somewhere while laggardly nodded his head continuously.

"Huh? May sinabi ba akong gano'n?" Wala akong natatandaan na may sinabi akong gano'n. Assumero talaga 'tong lalaking 'to!

Dakilang krimstik!

"Wala? But the way you reacted was quietly obvious." He puckishly retorted like he's really sure about it.

"Talaga lang ha?" Ayoko ko na lang patulan at baka kung saan pa kami makarating. Kaya matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya. Nagtungo na ako sa mesa kung saan naroon na sila. Nakahain na rin ang pagkain at mukhang kami na lang ni War ang hinihintay. Daldal kasi ng kutong lupa na 'yon eh!

"Good morning guys," I lazily uttered. They glance at me on unison. Hindi ko na lang iyon pinansin at umupo na ako. Sumunod namang dumating si War na ubod ng lapad ang ngiti. Parang tanga lang!

"Woah! Ang saya mo men ah!" Mapanuring sambit ni Juck sa kaniya. Ano na naman kayang iniisip ng timang na 'to?

"Syempre ang tamis nila kanina eh. Hahahaa!" Pang aasar ni Exinn. Luh? Gawa gawa siya kwento! Why they are always tripping us?

From The Ground Up (On Going)Where stories live. Discover now