(Zei's pov)
"SAAN KA GALING!? ANG PAALAM MO SAAKIN LUNCH LANG!!ANO NA NGAYON DINNER NA OH!"
"He-he dad naman, inaaliw ko naman paminsan ang sarili ko."
"Haist! Sinong kasama mo?!"
"Ahhh nakalimotan ko 'yung pangalan niya. Pero isa siyang blonde na babae, ganito kataas, at gangster siya."
"Ano gangster?!"
"Ahh naalala ko na siya 'yung half sister ni Ate Yoo."
"ANONG SINABI MO?! 'WAG MONG SABIHING NAISIPAN MONG SUMALI SA KANILA?! ANO MAGSUSUBSTITUTE KA KAY EREIL!?"
"ehh dad naman, hindi po. Mahal ko po buhay ko. Tsaka sa mall lang naman kami."
"Ahhh ganon ba? Hahahaha. Pasensya na anak. Akala ko kasi naisipan mo ng itapon ang buhay mo.Sige lumayas ka na maggagabi na uwi ka na sa dorm mo. Haha babye."
Aish, si daddy talaga. Kinuha ko lang 'yung bag ko saka pumasok na sa kotse. Marunong ako magdrive pero wala akong kotse. How rude di ba? Nagbabasa lang ako habang bumabyahe. Ganon lang naman ehh.
"Andito na po tayo young master."
"Ahh salamat Brando."
*DORM*
"'Wag Toffer, Ayoko ayoko ahhh layo ka. Layo ka."
Alam ko na kung kanino ang boses na 'yun. Kaya pumasok na ako. Nakita ko si Blake tulog na.
"Himala yata ang agang nakatulog ng gung gong?"
"Ahhh nerdyyyyyy. Buti nalang dumating ka." Tumakbo siya papunta saakin, saka ako niyakap.
"Eshh, layo ka nga." nilagay ko nalang 'yung mga damit ko saka kinuha 'yung tuwalya.
"Hay... nerdy!" tawag ni Toffer "Nakita ko kayo kanina."
"Ha? Sino!"
"Oo nga sino?" ayy sasabat pa ehh.
"Sino ba kasama mo kanina?"
"Sino si Ate Yoo?"
"Nagmamaang mangan ka pa nerdy. Alam kong magkasama kayo ni Erzea kanina."
"S-si E-erzea? WAAAAAHHHH ANG LIGHTNING QUEEN?!KYAAAAAHHHH!"
"Sinong Erzea? Ahhh 'yung blonde na babae? Ahhh Erzea pala pangalan niya. Ahh sige maliligo muna ako." ahhhh nakakapagod makipagtalo sa babaeng 'yun. Mas ok pa kay Engot nananalo ako. Aish grabe ang sakit ng batok ko. Ilang beses niya kaya akong binatukan. Paglabas ko ng shower. Para akong nabato. I saw Toffer and Mira kissing.Ano bang problema ko. Naghahalikan lang naman sila. Ano naman ngayon?
"Ohh tapos ka na pala nerdy." I was snap out of my toughts.
"Ahh o-oo." Nagbihis lang ako ng simpleng boxers lang. Di na lang ako nag shirt. "Sige good night nalang sainyo."
"Ahhh nerdy kailangan mong tanggalin ang contacts mo." sabi saakin ni Mira.
"Ahh o-oo nga pala. Nakalimotan ko. He-hehe." tininanggal ko lang agad agad ang contacts ko. At habang nakatingin ako sa salamin at 'yung dalawa ehh busy sa pagkukulitan. Natanong ko sa sarili ko. Gusto ko na ba si Mira? Aish ano ba imposible. Umakyat nalang ako sa kama ko at sinubokang matulog. Ahh. Gulong sa kanan. Sa kaliwa. Balik sa kanan. Sa kali---
"Ahhhh," aray ko naman. Ang sakit naman.
"Hmmm!" narinig kung umungol 'yung mga tao.
"Awww." Bulong ko. Ang sakit talaga. Pero feel ko mas masakit pa ang makitang magkatabi sila sa kama. Sige na suko na ako. Gusto ko na siya. Akala ko di ko na 'to mafefeel ulit. At alam ko masasaktan nanaman ako. Bumalik nalang ulit ako sa pagtulog. Good luck on me.
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster And Mr. Nerd
General FictionTHe more you hate the more you love. thats the saying of the stupid writer. And this is the main topic of this story. About Ms gangster who is a wild tiger. And Mr. Nerd who is a coward but a fighter. What will happend if they'll collide?Would they...