Ezekeil Park, Zei (zey) for short. Isa sa mga nerdy type na highschooler. May isang malaking salamin sa mata na sobrang kapal ng lenses at malabo ang paningin ko pagwala yun. Kung ang ibang boys alak, sigarilyo, rumble at kung ano anong bisyo ang past time! Ibahin nyo ako. Wala naman yang kwenta ehh.
"Woah ho! Andito na si Dr. Jose Rizal. Kasama ang kanyang nobelang walang kwenta." yan ang palaging bungad nila sakin.
Pero hindi ko na sila pinapansin. Uupo nalang ako sa upoan ko at hihintayin pumasok ang teacher at habang ginagawa 'yun magbabasa ako ng biology na libro. 'Yan ang palagi kung ginagawa.
"Good morning class!"
At yan na ang hinihintay ko.
"Good morning maam." bati namin sa teacher namin. At 'yun na ang hudyat ng pagsisimula ng lecture. Kaya kukunin ko na ang notebook ko at ballpen at makikinig na sa teacher wala akong paki sakanila kung mag-ingay mansila. Oo geek nga ako diba?
At paglumabas na ang teacher hihintayin ko ang susunod at ganon lang.
Pag lunch break pumuponta ako garden at magbabasa. Hindi ako nag-lulunch minsan naman sa library.
At pagbell na balik sa classroom at ganon lang ang gagawin ko. Dahil para sakin ang importante ay ang pag-aaral.
At pagdismiss na lumalabas ako ng campus at makikita ko ang sundo ko isang kotse na di ko alam ang model di naman ako mahilig d'yan. At babatiin ako ng...
"Magandang hapon po young master!" ng aking loyal na driver na si Brando at babatiin ko rin sya ng..
"Magandang hapon din Brando!" saka ako papasok sa kotse at magbabasa ng libro. At saka ako sasabihan na...
"Nandito na po tayo sir!"
Ni Brando. Saka ako pagbubuksan at lalabas sa kotse.
Didiritso sa kwarto at magbibihis. At magbabasa. Oh boring daw ang mga routines ko pero para sakin importanti lahat ng ginagawa ko. Pero nabigla ako ng may kumatok sa pinto ko na isa sa mga maid namin at sabing pinapaponta ako sa office ni dad! Kaya naman naglakad na ako papunta sa office. Pagkadating ko dun agad kong binati si dad.
"Hi, dad! Pinatawag nyo daw po ako." sabi ko agad ng makapasok ako.
"Ahh yes anak nag-iisa kong anak!" hay nandiyan nanaman si daddy.
"Dad! anak nyo parin si Ereil. Kakambal ko siya dad." sagot ko.
"'Yun na nga ang problema ko. Napakalaki nyang problema."
"Dad!"
"Haist! Ezekeil pwedeng bawasan mo muna 'yang pagiging mabait mo." angal niya.
"Ayaw ko pong awayin ako ni Ereil! Baka paglamayan nyo ako." duh naalala ko naman yung mga araw na yun.
"Kung ano si Ereil tutal opposite ka!" bakit ba niya kami kinokompara ehh anak niya naman kami parehas.
"Wag nyo po 'yang sabihin dad!" ayoko ng maulit 'yung ginawa niyang pambubugbug sakin dahil sinakyan ko ang mga sinasabi ni dad.
"Oh pinatawag nyo daw ako pa!" ahhh, andiyan na ang balck dragon. Si Ereil.
"Ahh ano nanaman bayang tattoo nayan. Sa mukha mo pa nilagay!" maglingon ko sa kinatatayoan niya. Wahh nagtago ako bigla sa likod ni daddy.
Hoy! 'Wag kayo 'di ako bakla ahh. Takot lang talaga ako kay Ereil. Nangangatog na nga tuhod ko dito.
"Ahhh 'wag niyo na 'tong pakialaman. Pera ko naman ginastos dito ehh." haist wala talagang mudo.
"Bahala ka! Gusto ko lang sabihin sayo na ililipat ko ng school ang kapatid mo!" huh? bakit naman? Ok naman sa school ahh?
:
"Wala akong pakialam sa nerd kong kapatid!" see?
"At sa school mo. Doon ko siya ililipat!"
"WHAT?"
¤÷¤÷¤÷¤÷¤÷¤÷¤÷¤÷¤÷¤
plug plug plug....
The Land of Medoh...
...click nyo lang ang profile ko...
hahaja...
BINABASA MO ANG
Ms. Gangster And Mr. Nerd
General FictionTHe more you hate the more you love. thats the saying of the stupid writer. And this is the main topic of this story. About Ms gangster who is a wild tiger. And Mr. Nerd who is a coward but a fighter. What will happend if they'll collide?Would they...