MPMMN:2

15.3K 626 36
                                    

Napalingon ako sa grupo nila kuya ng makarinig akong isang malakas na tawanan.

Naagaw din nila ang atensyon nh ibang studyante na busy sa pagkain. Halos lahat ng nasa grupo nila kuya ay hinahangaan, pansin na pansin ang mga ito sa mga kanya kanyang estado sa buhay.

Ang ibang studyante ay pasilip na binabalingan ng tingin ang mga kalalakihan doon. Napaismid ako ng tignan ako ni kuya, he knows how I hate him getting attention.

Lumalaki kasi ang ulo akala mo kung sinong artista na tinitilian, hindi ko na siya masisisi dahil nabiyayaan yata ni Adonis. Ako lang yata sa pamilya Malford ang walang itsura.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ng pasta na inorder namin ni Kristina kanina.

Binaling ko ang tingin ko kay Kristina ng tahimik lamang ito.

"Anong nangyayari sayo?" sinundot sundot ko ang pisngi ni Kristina ng tulala lamang ito sa grupo nila kuya kaya hindi niya na magalaw galaw ang kinakain.

" Sinong tinitignan mo dyan?" ngumisi ito.

" Ang gwapo ni Throi," kumunot ang noo ko.

" Sino jan? ang daming lalaki oh"

" Yung blonde ang buhok na singkit, ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti...ahmmm...gummy smile," I gave her my weird look.

"Ang creepy mo," inismiran ako nito.

Inayos ko ang pinagkainan ko ng matapos ako, sumandal ako sa upuan at kinandong ang bag saka niyakap.

Nilibot ko ang tingin ko, ang sasaya nila.

Nagawi ang tingin ko sa isang lalaki, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito, napailing iling ako. Bumaling ang tingin niya sa 'kin, nakita ko ang lalim ng titig nito na tila tagos sa aking kaluluwa.

Napalunok ako at nag iwas ng tingin, ramdam ko pa rin ang seryosong tingin nito maybe he finds me disgusting because I'm ugly and don't have even a fashion.

Tinignan ko ulit siya, nanlaki ang mata ko ng ngumisi ito. Nakaramdam ako ng kaba. I don't even know his name.

" Ay sorry!" napatalon ako ng makaramdam ng isang malamig na bagay na dumaloy pababa sa aking katawan, nanginig ako.

" Kaicey!" napayuko ako sa lakas ng boses ni Kristina.

" Ayos ka lang ba Ataska? sorry ha...akala ko...basurahan opps!" ngumiti ito.

Naagaw namin ang pansin ng ibang studyante, may mga nagtatawanan at sumisigaw.

Tila tuwang tuwa sa nakikita, nangilid ang luha ko. Why do I feel weak? Nilingon ko si kuya at akma itong pupuntahan ako ngunit isang babae ang humila sa kanya pabalik.

Napalingon ako sa isang lalaki at seryoso itong nanonood.

" Ataska ayos ka lang?" no...I'm not.

"Ayos lang," ngumiti ako ng tipid, I sighed and gave Kaicey an assuring look.

" Kaicey ayon ang basurahan oh."

" Sorry, akala ko kasi talaga ikaw yun," natawanan ang mga studyante, nanginig ang tuhod ko sa mga boses, paulit ulit lamang ito sa aking isipan.

Umayos ako ng tayo, kinuha ko ang mga gamit ko at pinalibot ulit ang tingin.

Tumakbo ako palabas ng cafeteria, nalaglag ang mga luha sa mata ko. Narinig kong tinawag pa ni Kristina ang pangalan ko ngunit hindi ko na ito nilingon.

"Loser!"

" Outcast!"

"Go to hell!"

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now