MPMMN:14

9.4K 452 22
                                    

Napayakap ako sa katawan ko ng makababa sa sasakyan. Hindi ko na pinansin pa si kuya Dwayne kung nakasunod ba siya sa akin o hindi.

Habang naglalakad ay wala akong ginawa kun'di pagmasdan ang kapaligiran. Basang basa ang maliliit na damo sa soccer field nung madaanan ko.

Bakas pa rin talaga ang dinulot nung napakalakas na ulan. Ang simoy ng hangin ay magaspang at malamig kaya hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili.

May nakita akong maliit na bato kaya wala sa sariling sinipa sipa ko ito, napansin ko ang konting dumi sa sapatos ko ngunit binalewala ko lamang ito.

Marami na ring studyanteng nakakalat sa oras na ito. Napatingin ako sa relo ko sa kaliwang palapulsuhan at nakitang maaga pa naman.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang grupo nila Kaicey at kasama niya pa rin si Ella.

Pinagtaasan nila ako ng kilay pero iniwas ko din agad ang paningin ko.

"Hi."

Sinuklian ko ng ngiti ang mga bumabati sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa nangyayare sa paligid ko.

Hindi ko alam kung ano bang mas pipiliin ko, ang dating lagi akong mag isa at hindi pinapansin o itong ngayon na halos lahat sila ay  binibigyan na ako ng pansin tss.

Nakarating ako sa room ay wala pa si Kristina, mag isa akong umupo sa dulo kung saan ang pwesto namin at sinalpak ang earphones ko.

Nakatingin lamang ako sa harap at minsan ay napapatingin din ako sa bintana.

YAWWWNNNNN!

Hindi ko maiwasang mapahikab, tinakpan ko ang bibig ko at napahawak sa aking sintido. Late na ako nakatulog kagabi, hindi ako pinatulog ng mga pangyayari kahapon.

Nagpapaulit ulit sa isip ko ang lahat. Napailing iling ako, napatingin ako sa mga kaklase kong unti unting nagiging maingay.

Unti unti na rin dumarami ang pumapasok. Binaling ko na lamang ang tingin ko sa bintana upang pagmasdan ang mga kapwa kong istudyante na naglalakad sa may soccer field habang nakikinig ng musika.

Sunrise with you on my chest
No blinds in the place where I live
Daybreak open your eyes
'Cause this was only ever meant to be for one night
Still, we're changing our minds here
Be yours, be my dear
So close with you on my lips
Touch noses, feeling your breath
Push your heart and pull away, yeah
Be my summer in a winter day love
I can't see one thing wrong
Between the both of us
Be mine, be mine, yeah
Anytime, anytime

Hindi ko maiwasang mapapikit pikit pa. Nangingiti ako habang nagheheadbang ng 'di kalakasan. Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at nagulat pa ako ng bumungad sa harap ko si Kristina na nagtatakang nakatingin sa akin.

Nginitian ko lamang siya at napailing iling, mahina ko pang sinabayan ang kanta.

Ooh, you know I've been alone for quite a while
haven't I? I thought I knew it all
Found love but I was wrong
More times than enough
But since you came along
I'm thinking baby

Hindi ko alam pero mga tugtugin at iba't ibang genres ng musika ang naging karamay ko lalo na kapag nag iisa ako.

Stress reliever ko na ata basta ang alam ko MUSIC CAN ALWAYS MAKE ME CALM.

You are bringing out a different kind of me
There's no safety net that's underneath, I'm free
Falling all in
You fell for men who weren't how they appear
Trapped up on a tightrope now we're here, we're free
Falling all in you

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now