MPMMN:29

6K 292 10
                                    

This is it, the day before my debut. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko, saya, kaba, excitement. Nakakatuwang isipin na starting tomorrow ay nasa legal na edad na ako, ikinakakaba ko naman na simula bukas ay pwede na akong makulong charoot.

Natawa ako sa naisip, nababaliw na yata ako. Lahat ng tao sa bahay ay may iba ibang pinagkakaabalahan. Wala kang makikitang nakaupo at nagrerelax, lahat ay busy. Gawa dito, ayos doon, ayos dito. Pabalik balik.

Mula sa baba ay rinig na rinig ko ang boses ni Mommy dito sa kwarto. Nagkukumahog ang lahat sa pag aayos, pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin saka naisipang bumaba. Hindi pa ako nakakababa sa hagdan ay nakasalubong ko si kuya na paakyat pa lamang.

Huminto ito ng nakita ako.

" Buti naisipan mo pang bumaba, pinapatawag ka ni Mommy nasa baba na yung gown mo."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

" Totoo?!"

Walang ganang tumango ito kaya napaismid ako. Kapagkuwan ay nangingiting binilisan ko ang bawat hakbang saka patakbong pumunta sa lugar kung saan naririnig ko ang boses ni Mommy.

"Hey!" Tinawag pa ako ni kuya pero nilagpasan ko lang siya.

Habang papalapit ay parami ng parami ang mga boses, bumagal ang mga hakbang ko.

" Long time no see tita!"

" Ang kapatid ko talaga habang tumatanda lalong gumaganda!"

" Ako pa ba," rinig ko usal ni Mommy.

" Ang gwapo naman ng pamangkin ko!"

" Nasaan si Ataska?"

" Oh, there she is."

Lahat ng paningin ay napunta sa akin, nahihiyang ngumiti ako saka naglalakad palapit sa kanila.

" Ang gandang bata naman nito!"

" Mana sa ina syempre!" Nagtawanan ang lahat ng mga naroon kaya hindi ko na rin maiwasang makitawa.

" Tita Aira." Usal ko at sinalubong ito ng yakap.

" Ang laki mo na," she scanned me from head to toe even my uncles and cousin averted their eyes on me.

" You're tremendously magnificent!!" Tita Aira exclaimed. Natawa ako.

" Ikaw rin Tita, you're still stunning." Ngumiti ako.

" Well, nasa lahi natin yan." Everyone laugh at that.

I darted my eyes beside tita Aira.

" Tito Sonny." Ngumiti ako saka lumapit din dito para yakapin.

" Ang laki mo na iha." Ngumiti ako at ibinaling ang mga tingin sa mga pinsan kong hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin.

" Hey."

" Omg!!!" Natawa ako ng tumakbo palapit sa akin si Asamia, Mia for short. Pagewang gewang na ang tayo ko ng dambahin ako mula sa likod ng isa ko pang pinsan na si Arayya.

Now, alam ko na kung bakit weird din ang pangalan ko. Akala ko ako lang pero pati rin pala ang mga pinsan ko hayst.

" Geezz, Calm down." Humalaklak ako saka inayos ang tayo. Pagewang gewang na kami, muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang kami inalalayan ng pinsan kong si Dylan.

" Thank you." Ngumiti ito saka tumayo.

" I meeshhh youuu pinsannn." Naipikit ko ang aking mata ng paulanan  ng halik ni Mia ang buo kong mukha.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now