Tulala ako at malalim ang iniisip ng maupo sa katabing upuan ni Kristina. Ilang beses niya na akong tinatawag ngunit hindi ko siya binibigyang pansin.
Masyado na akong gulong gulo sa nangyayari, bakit niya naman gagawin yon?
Sa tuwing iniisip ko na siya nga ang salarin doon ay ayaw maproseso ng utak ko, sadyang hindi kapani-paniwala dahil hindi mo talaga aasahan.
Alam kong mahirap magbintang lalo na at wala akong pruweba ngunit hindi pa rin ako mapalagay sa hinala ko. Sana nga ay mali...
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na ang mga weirdong ikinikilos niya sa tuwing dumadaan ako ngunit binabalewala ko na lang pero dahil sa pangyayari kanina, ang kalabog sa restroom ay lagi akong binabagabag.
Muli akong napabuntong hininga, hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na nga ba ang pinakawalan ko.
Napahawak ako sa puson ko ng muli itong kumirot. Pumikit ako at nagdasal na sana ay huwag lumala ang dysmenorrhea ko.
Nagawi ang tingin ko kay Kristina, binigyan ko siyang ng isang pilit na ngiti ng makitang nakatingin siya sa akin habang nakanguso.
Sabay sabay kaming tumingin sa harapan at umayos ng upo ng dumating na si sir Apollo.
Ibinaba niya ang dala niyang mga books at eraser sa table sa harapan saka nilibot ang paningin sa lahat ng istudyante.
Nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng tumigil ang tingin niya sa akin saka ngumiti, nagbigay ako ng pilit na ngiti.
Hindi ako makapag focus sa buong discussion, hindi ako mapakali.
"Aska okay ka lang?" napakingon ako kay Kristina.
" H-ha?"
" Are you okay." tumango ako bilang sagot.
" GET ONE WHOLE SHEET OF PAPER THEN ANSWER THE QUESTION ON THE BOARD."
Shit! napapikit na lang ako sa inis ng malamang hindi ako nakinig sa discussion, nakinig naman pala ako pero walang pumapasok sa isip ko.
Naglabas ako ng one whole sheet nang makitang mayroon ng papel ang lahat ng kaklase ko, mahirap na...
Napalingon ako kay Kristina at nakitang nginunguso niya ang papel ko, napailing iling na lamang ako saka binigyan siya ng isang sheet.
Binasa ko ang unang question, naningkit ang mata ko ng pamilyar ito. Sunod kong binasa ang pangalawa at halos lumuwa ang mata ko ng hindi ko alam ang sagot doon, wala akong kahit idea, talagang blangko ang utak ko doon.
Binasa ko ang pangatlo, pang apat hanggang sa umabot ng sampu at nakahinga ako ng maluwag ng madadali na ang mga sumunod na tanong.
Panandaliang nawala sa isip ko ang lahat at busy magsagot sa answer sheet ko, pilit kong iniisip ang mga eksaktong salita na sagot.
Napangiti ako ng number 2 na lang ang hindi ko pa nasasagutan, pilit kong hinuhukay ang pinakailalim-laliman ng utak ko na baka sakaling may alam ako dito ngunit wala.
Tinitigan ko ang tanong, bahagya akong lumingon kay Kristina. I almost laugh when I saw her being serious with her answer sheet, kailangan pa naging seryoso to? may pakunot noo pang nalalaman tsk tsk.
Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya dahan dahang bumaling ang ulo niya sa gawi ko para irapan ako, napangiti na lamang ako.
Lumipas ang minuto ay nanatiling blangko ang number two sa papel ko. Halos irapan ko na ang pangalawang tanong, eh sa wala akong masagot eh.
Hindi ko alam kung anong gagawin, ito yata talaga ang napapala ng hindi nakikinig sa discussion, ang labas sa huli eh makikipag titigan ka na lang sa tanong.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...