"Seriously?" I asked him.
Binigyan lamang niya ako ng isang ngiti saka pinatay ang makina ng sasakyan. Nauna siyang bumaba habang pinagmaamasdan ko mula sa loob ng kotse ang paligid.
Inayos ko ang sarili nang makitang umikot siya at pumunta sa side ng kotse kung nasaan ako para buksan ang pinto. I let out a sigh, I wander my eyes around. Masyadong maraming tao at sa lahat ng taong naririto ay mababakasan mo ng saya at ngiti sa mukha.
Maraming batang nagtatakbuhan na tila ba naglalaro, natawa ako ng madapa ang isang bata na agad dinaluhan ng kanyang ina. Imbes na umiyak ay tumatawa pa ito, how cute.
Isang kamay ay lumahad sa harapan ko, humalukipkip ako at tinignan ito. Siya na mismo ang umabot sa aking kamay kaya natawa ako.
"Amusement park talaga?" I asked.
" Yeah."
" Para lang naman to sa mga bata eh." Natawa ako.
" What?" Napakunot ang noo ko ng bigla itong ngumisi.
" Para lang kako ito sa mga bata." Napangiwi ako.
" Bata? You're still a baby right? My baby...." He wink, I felt my cheeks turning red.
" Tse!"
Humalakhak ito sa inusal ko. Napairap ako upang itago ang isang ngiti, kinikilig ba ako?
Hindi maitago ang saya sa mukha ko, tawa ako ng tawa ng sumakay kami sa mga rides kanina. Ang galing niyang magyaya dito sa amusement park kaya bahala siya diyan. Hinagod ko ang likod niya ng bigla siyang masuka sa gilid.
Sinamaan niya ako ng tingin ng natatawang pinisil ko ang sariling ilong ng malanghap ang 'di kaaya ayang amoy. Gross, hindi ko maiwasang mapahalakhak.
" Fuck! Fuck it! Fuck you Amusement Park!"
Pinigil ko ang ngising gustong kumawala sa mga labi ko dahil kanina niya pa ako sinasamaan ng tingin. Pumalatak ito at ilang mura ang pinakawalan ng muntikan na siyang mawalan ng balanse.
Nakaramdam na ako ng konting awa nang makitang namumutla na ito. Pumunta ako sa isang malapit na stall at bumili ng isang mineral water.
Agad niya itong kinuha sa kamay ko at inisang lagok habang hinahagod ang likod niya." Ayos ka na?"
Tumango ito, " Yeah."
" Akala ko ba hindi ka takot sa mabibilis at matataas na rides?" Ngumisi ako.
" Hindi n-naman talaga ako takot, nahilo lang ako." Nag iwas ito ng tingin, palusot mo parang utot.
" Kaya pala grabe ka makakapit sa akin kanina tsk tsk." Napailing iling ako habang nililibot ang paningin.
" Baka mahulog ka kaya kumapit ako."
Napapantastikuhang tinignan ko ito, ano daw? Unbelievable. Wala sa sariling humalakhak ako.
" Aren't you hungry?" Pag iiba niya sa usapan.
Pinalis ko ang luhang hindi pa umaabot sa pisngi ko, sinamaan niya ako ako ng tingin at humalukipkip.
" Not yet."
"Tsss."
Tumayo ito saka inilahad muli ang kamay sa harapan ko, walang pag aalinlangan namang inabot ko ang akin. Ipinagsiklob niya ang aming mga daliri saka hinila ako sa kung saan. Nangngiting tinignan ko ang kamay namin, naramdaman ko ang bahagya nitong pagpisil.
Tumigil kami sa isang stall kung saan maraming stuff toys. Lumiwanag ang mata ko sa nakita lalo na ng nakuha ng atensyon ko ang isang stuff toy na kulay dilaw. Maya maya ay inabot ito sa amin ng tindero at hindi makapaniwalang tinignan ko si Willert ibigay niya ito sa akin. Agad ko itong hinagkan kasama siya.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...