MPMMN: 18

8.3K 440 18
                                    

Kung pagmamasdan siya ay parang wala namang kakaiba sa kilos niya. Bawat galaw niya ay swabe, ang butas sa kanyang dalawang pisngi sa tuwing ngumingiti siya ay agaw pansin.

Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang mahulog d'yan.

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit siya ang pinaghihinalaan ko, Out of all people why him?

Pilit ko hinahalungkat ang pakiramdam na madalas ko maramdaman sa tuwing nakakatanggap ako ng kung anong bagay kay JW.

Ngunit wala.

Ang pakiramdam na bigla na lamang bibilis ang tibok ng puso ko. Ang mga paru parong tila nagpipiyesta sa tiyan ko. Ang pagiging kabado ko tuwing nand'yan siya.

Ngunit kahit isa ay wala akong maramdaman.

Parang... isa lamang siyang normal na tao para sa akin.

Walang kakaiba sa kanya kun'di ang madalas na pagkindat niya lamang sa akin na kinaiirita ko.

Ibang- iba ang pakiramdam sa tuwing may inaabot siyang sulat. Feeling ko ang sulat na iyon ay galing nga talaga sa kanya. Ang pakiramdam na hinahanap ko ay nandirito.

Ngunit sa tuwing titignan ko ang kanyang mukha ay biglang na lamang naglalaho.

" Miss beautiful!"

Hindi maipinta ang mukha ko ng bigla na lamang siyang sumulpot sa tabi ko at bigla akong inakbayan.

Napalitan ng gulat ang mukha ko ng may biglang lumitaw na pulang rosas sa harapan ko na may note na namang nakadikit.

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinagmamasdan ako. Napakalakas ng tibok ng puso ko.

" For you again." ngumiti siya saka binigyan ako ng isang kindat.

Mahinang sinuntok ko ang dibdib ko ng biglang nawala ang kakaibang pakiramdam. Nagtaka ako ngunit hindi ko pinahalata.

Napahawak ako sa balikat niya ng bigla na lang niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin.

" J-James..."

Ngumiti siya kapagkuwan ay bumaba ang kanyang tingin sa labi ko.

" Your lips might inviting but I can't kiss you, I might die early. Lubirea mea..."

Bigla na lang siyang tumalikod at nakapamulsang umalis.

Binasa ko ang sticky note na nasa tangkay ng rose na ibinigay niya.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now