Ipinalibot ko ang tingin ko sa buong paligid, kanina pa ako napapadyak sa inis. Tunog na mga humahakbang na paa, tawanan sa kung saan, ingay at sigawan sa iba't ibang sulok ng campus.
Kanina pa ako naiinip. God, I'm so bored. I even looked at my wristwatch multiple times, mas lalo akong naiinis sa bilis ng takbo ng oras pero napakabagal ng hinihintay ko.
Mag isa ako ngayon, nagpa iwan na ako kanina kay Willert dahil may gagawin pa sila ng team mates niya, he wants me to come but I refused it. Naalala ko na ngayon ang cheerdance at kasama si Kristina doon.
This is the reason why I don't like this kind of event, hindi na nga ako interesado, nakakaboring pa. I'd rather attend a class or read some books.
" Askaaaaa!" Oh, she's here.
I gave her a bored stare. Halos mapaikot na lamang ang mata ko ng tuwang tuwa itong tumalon sa harapan ko umikot pa.
I scanned her from head to toe, nakasuot ito ng kulay asul na napakaikling palda na pangcheerleading talaga hanggang sa pangtaas ay kulay asul. Her hair is tied in a two cute ponytails. Ipinilig ko ang ulo ko saka unti unting napangiti, she's kinda cute.
" What took you so long?" I hide my smile on a serious tone.
She smiled at me widely, her hands is waving in the air. Hindi ko na naitago ang ngiti ko.
" Sorry na Aska huhuhu, ang cute kasi ng outfit ko kaya nawala sa isip kong naghihintay ka pala kaya ayon nawili akong magpapicture hehehe." napailing iling na lang ako. She's not my bestfriends if she don't have her weird habits.
" Kinakabahan ako baka pag tinapon ako mamaya hindi nila ako saluhin." binigyan ko siya ng hindi nakapaniwalang tingin.
" Ang OA mo talaga kailangan."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad, patungo kami ngayon sa Gymnasium kung saan gaganapin ang cheerdance. Nang makapasok kami ay punuan na kaagad.
I felt a cold hands held my hands, napatingin ako kay Kristina.
" You're cold, wag kang kabahan okay? walang magandang maidudulot yan, just relax." she nodded, I smiled at her assuring that everything will be fine.
Matapos makakita ng mauupuan ay iniwan na ako ni Kristina. Nakaupo ako sa sa pwestong kitang kita sila, the view from here was very clear. Isa isa ng lumabas ang bawat team ng cheerdance. Unang lumabas ang grupo ng puros naka dilaw followed by the green team, red and then there's the blue team.
Everyone settled for the openings of cheerleading competition. Umayos ako ng upo saka tutok na tutok na nanonood. Bawat grupo ay may kanya kanyang istilo, from their chants, stunts, and steps. Halatang pinaghandaan ang lahat, their synchronization is good.
Napuno ng paghanga ang mga mata ko. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng mag umpisang mag ingay ang mga tao sa likod ko. Hindi ko maiwasang lumingon sa likuran.
My jaw dropped on what I saw, napuno ng singhapan ang paligid ng magtama ang paningin namin. He has his way towards me.
" OMG girl bagay talaga silaaa!"
" Sinabi mo pa."
" Ataska is beautiful ihhhh!"
" Nakakainggit huhuhu"
" I ship them omygod!!"
" Hey." I gulped, umusog ako ng konti ng umupo siya sa tabi ko. I heard him chuckled.
" Where have you been?" I asked.
" May pinag usapan lang kami ng team mates." napatango tango ako. Naumid na ata ang dila ko, walang salitang gustong lumabas.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...