Kanina pa akong hindi mapakali sa pwesto ko. Masyadong maingay, malakas ang hiyawan at sigawan sa buong court.
" Throi baby!! galingan mo!" sigaw ni Kristina ng makitang naka three points si Throi.
Kanina pa nagsisimula ang basketball game, 4th quarter na at masyadong lamang ang kalaban. Tambak na sila kuya, 61-99 ang score.
Napatingin ako sa court at nagtama ang paningin namin, matamlay lamang siyang gumagalaw, parang walang ganang maglaro. Kanina pa walang pumapasok sa nga tira niya.
Damn! tinotoo nga niya ang sinabi niya.
Sa tuwing iisipin kong sisigaw ako mula sa kinauupuan ko ay napangungunahan na ako ng hiya, kanina pa siya nakasimangot sa akin at parang inis na inis.
" Go Throii!!"
" Dwayne ang hot moo!"
" Ang gwapo mo Willert!!"
Bigla akong nabuhayan ng loob ng makitang naipasa sa kanya ang bola. Halos sugudin ko na siya loob ng court ng lalamya lamya siyang tumakbo dahilan na maagaw ng kalaban ang bola.
Bakas ang panghihiyang sa mga manonood.
" Anong nangyayari kay Willert?"
" Is he sick?"
" Omg! baka matalo sila!"
Napuno ng ingay ang paligid, Sandaling natigil ang laro ng pumito ang referee at humingi ng time out si Coach Isaac, ang coach ng lions.
Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ni Willert, inirapan niya ako dahilan upang mag iwas ako ng tingin. Nagtama ang mata namin ni kuya at sinamaan ako ng tingin.
Ano na namang ginawa ko?
" What happened to you Salvador?! bakit lalamya lamya ka sa court?!" halata ang galit sa boses ni Coach Isaac, rinig na rinig mula dito ang boses niya dahil kasalukuyan kaming nakapwesto sa bench ng mga players.
" Ano?!may balak pa ba kayong manalo?! Salvador?!"
" Tsss." nagtama muli ang paningin namin kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
Ramdam ko ang bahagyang pagsiko ni Kristina sa bewang ko.
" Uyy, anong nangyayari d'yan sa labidabs mo?" bulong niya kaya nahihiyang tumango ako, sasabihin ko pa ba?
"Ahhh... k-kasi." nag aalangang magsalita pa ako ngunit sinabi ko din kalaunan.
Napaigik ako ng kurutin niya ang tagiliran ko.
" Kasalanan mo naman pala! paano kung natalo sila?! " nanggigil niya ako sa inginuso si Willert.
" Icheer mo na siya, isisigaw mo lang naman ang pangalan niya like I LOVE YOU WILLERTT !! ganern." pinanlakihan ko ito
"Nakakahiya eh."
" Anong nakakahiya? hindi lang naman ikaw ang nagchecheer sa kanya kaya hindi na yan mapapansin tsk tsk."
Napanguso ako, tumingin ako sa court. Nagsisimula na ulit ang game, nasa kalaban ang bola. Swabe pa lang ang galaw ng lahat hanggang sa mapunta sa team ni kuya ang bola.
Nakita ko ang pagsensyas ni kuya sa kateam nilang number 12 ang number sa likod ng jersey, ito ngayon ang kasalukuyang may hawak ng bola. Maya maya ay naipasa nito kay kuya ang bola saka ipinasa ni kuya kay Throi ang bola.
Halata sa mukha ni Throi ang hirap dahil wala siyang malalabasan, bantay sarado siya ng dalawang kalaban.
Ang bilis ng pangyayari, paanong nakahanap ng butas si Throi at madaling naipasa kay Willert ang bola.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...