MPMMN:34

5.6K 311 20
                                    

    A loud noise caught my attention, nagawi ang tingin ko sa pintuan. My breathing hitched when I saw a familiar built. Nakapwesto ito na parang katatapos lang sipain ang pintuan. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita.

Willert...

I was caught off guard when he found my eyes, his veins were popping out. He took a long strides towards me. Tila ba nagtitimpi sa galit ang kanyang ekspresyon.

I almost gasped for air when he pulled me for a tight hug, his eyes were squinting.

" Why are you here?" muntikan ng pumiyok ang boses ko ng banggitin ang mga salitang iyon, hinawakan niya ang dalawang pisngi ko ngunit nag iwas ako ng tingin.

He eyes were almost tearing up, I can't look at him. My heart pounded loudly. God, I miss him...but how did he know? Unti unti ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko, nanghihinang nabitawan ko ang picture naming dalawa dahilan kung bakit malipat ang tingin niya doon.

Parang pinag pipiraso piraso ang puso ko ng makita ang isang luha pumatak sa mga mata nito. He scanned me from head to toe.

" Am I s-still b-beautiful?" hindi ko na makilala ang boses ko, I broke into tears. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako, he hugged me again.

" Why don't you tell me?" he wiped the tears on my face. Hell, how can he wiped my tears if he can't even wipe his own tears.

I cupped his face.

" H-hindi ka na dapat p-pumunta dito..." mas lalo akong napahagulgol. He buried his face on my left shoulders. Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko.

" W-why don't you tell me?!"

Tila naumid ang dila ko, napailing iling na lamang ako habang hindi mapigilan ang patuloy na pagdaloy ang aking luha.

" Why are y-you being like this?"

He cupped my face and kissed the tip of my nose. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita, if this is a dream please don't wake me up.

" Please baby, I'll never let you go so don't ever let me go again..."

I felt his lips on mine, hindi ito gumalaw tanging nakadampi lamang. Napapikit ako habang sunod sunod na tumutulo ang aking luha.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat, parang kahapon lang siya lumuhod sa harapan ko at nagmakaawa, parang kahapon lang ng bitawan ko siya. Pero ngayon, nandito siya sa harapan ko na parang hindi ko man lang siya sinaktan.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Bakas ang pag hihirap sa boses nito, puno ng lungkot at pangungulila.

" B-bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Edi sana kasama mo ako sa mga panahong naghihirap ka, sa mga panahong sumasakit ang ulo mo. Pero bakit mo tinago?"

" W- Willert..."

" Habang nagpapakasaya ako hindi ko na namamalayan na yung taong mahal ko ay nagpapakahirap... Aska, bakit naman ganon?"

Napayuko ako.

" A-ayaw kong malaman mo dahil..."

"Ano?"

" Dahil mangyayari to! Eto ang ayaw kong mangyari! Susundan niyo ako, ididikit niyo ang sarili niyo sa akin! May buhay pa kayong kakaharapin sa labas, hindi lang ako ang prioridad niyo, ayaw kong matali kayo sa akin. Gusto ko isipin niyo muna ang sarili niyo..."

Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Napasinghap si Willert at napahilamos ng mukha. Mas lalo akong nanghina ng hawakan niya ang aking kamay at idinala sa kanyang labi kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.

" Baby, simula ng masilayan ka ng mga mata ko alam kong ikaw na. At simula ng tumibok ang puso ko sayo, ikaw na ang priority ko. Itinali ko na ang sarili ko sa'yo. So, don't ever do that again. You can't run away from me, you can't... "

" Saktan mo man ako ng ilang beses, sa'yo at sa'yo pa rin ang bagsak ko. Damn, I love you so much."

Hinila niya ako at isinubsob sa kanyang dibdib. He kissed the side of my head. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako at napangiti. Sa wakas, nakita ko na ang sarili kong tahanan. Sa gitna ng kanyang mga bisig kung saan pakiramdam ko ay ligtas ako.

He embraced me from behind, walang namutawing salita sa aming mga labi. Nalanghap ko ang kanyang pabango na minsan ko na ring hinanap hanap. Tanging tunog lamang ng orasan ang naririnig namin. I felt him burried his face on my shoulders. Nakiliti ako nang maramdaman ang kanyang hininga doon. Parang may nagliliparang sa tiyan ko.

Pareho lamang naming pinapakiramdaman ang bawat isa nang may biglang pumasok sa isip ko.

" Paano mo pala nalaman ang tungkol sa akin?"

" I have my ways baby. So, don't ever run away from me."

Itinaas niya ang aking ulo at hinawakan ang aking dalawang pisngi. He wipe the dry tears on my face. Unti unti ng nawawala ang bigat sa dibdib ko. I heard him chuckles on the sudden.

" W-what?" He eyed me, amusement was now on his face, gone with mad and sad expression.

"You're...cute." Lumobo ang pisngi nito at natatawang pinagmasdan ako. Napahawak ako sa ulo ko at doon ko napagtantong kalbo na nga pala ako. Napayuko ako at namula sa hiya.

" Cute cute ka pang nalalaman. Hindi mo ma lang sabihin na pangit ako." Napairap ako at nag iwas ng tingin.

He chuckles, hindi ko maiwasang maibaling pabalik sakanya ang tingin.

" May kamukha ka..." Ani nito.

Napaayos ako ng upo.

" Sino?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

Hindi ko na napigilan ang inis nang makitang lumobo na naman ang pisngi niya,  he's to cute pero naiinis ako.

" Basta may kamukha ka." He keeps laughing, kanina iiyak iyak lang to tapos biglang tatawa. Agad gumaan ang loob ko sa nakikitang kasiyahan sa kanyang mukha. I almost forgot about my condition because I'm mesmerized how amazing man he was.

" Kamukha mo yung bida sa One Punch Man."

Biglang akong natigilan sa pagtitig sa kanya, ilang segundo pa bago nag sink in sa akin ang sinabi niya. Nag init ng husto ang pagmumukha ko at hindi ko na napagilan pang hampasin siya ng unan na nadampot.

" A-anong sinabi mo?!" Nanggigigil na hinabol ko siya ng bigla siyang tumakbo.

" Kamukha mo kako yung bida sa One punch man!" He burst out laughing, his laugh echoed in our room. Hindi ko na napigilan maasar.

" Walang hiya ka talaga!" Akma ko siyang hahampasin ng unan ng bigla niyang hinuli ang kamay ko, dahil sa pagkabigla ay nasubsob ako sa kanyang dibdib.

"Silly," he chuckled in between my neck.

" Kahit maging kamukha mo yon, mahal na mahal pa rin kita." Humalakhak ito saka muli akong binitawan, hindi ko maiwasang mapangiti ngunit agad din itong napawi nang walang pasidlang sakit ang naramdaman ko.

Napakapit ako sa kanyang braso at napahawak sa ulo.

" Are you okay?" Napailing ako, inalalayan niya ako papunta sa kama at dahan dahang pinahiga.

" Lalabas lang ako saglit." Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay.

He smiled ," Don't worry, I'll be back. Tatawag lang ako ng doctor."

Tumango ako, biglaan ang nangyari. Kung kanina ay malakas ako, ngayon ay unti unting nanghihina ang katawan ko.

Marahas na bumukas ang pintuan. Pumasok ang mga magulang ko na may kasamang doctor, isa isa nila akong tinignan. Sa gilid ng mata ko ay nahagip ko si Kuya at Willert na masinsinang nag uusap.

---

    A/N : So, ayun paikli ng paikli ang update naten HAHAHA nirush ko kase eto. I wrote MPMMN chaps 33 and 34 today. So, sorry if it's lame or there are too many errors. Himala nga at nakatapos ako ng two chaps sa isang araw HAAHAHAHA.

    Any thoughts about Willert and Aska? A simple comments are highly appreciated. Bukas ulit, ciao!

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now