MPMMN:25

7.8K 395 24
                                    

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng maliliit na kiliti sa leeg ko. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ito ngunit parang sumusunod.

Nakapikit pa rin ang mata ko, antok na antok pa ako sa mga oras na ito at wala akong balak bumangon. Pwede namang magpalate dahil Intramurals pa din at saka wala naman akong gagawin doon, papasok lang talaga ako para sa attendance.

Bahagya akong natawa ng muli makaramdam ng kiliti, napakamot ako sa leeg saka humikab at hinila ang comforter para magtalukbong.

Napakunot ang noo ko ng biglang nahila paalis ang comforter ko, nakapikit na kinapa kapa ko ito. Isang matigas na bagay ang nakapa ko pero binalewala ko ito at patagilid na humiga.

Nakaramdam ako ng bagay na bahagyang dumampi sa labi ko, infairness malambot, kumunot ang noo ko baka unan.

" Baby..."

Bahagya akong gumalaw ng marinig ang pamilyar na boses ni Willert, nanaginip ata ako. Biglang akong napangiti, pati ba naman sa panaginip maririnig ko pa rin siya.

" Hey, wake up." Naipilig kong muli ang aking ulo ng makaramdam ng kiliti sa aking tenga, isang mainit na hangin ang tumama sa may bandang leeg ko.

Hindi ko na mapigilan at bahagya itong hinampas, mahirap na baka yung alagang aso na naman ni kuya na si Potchi.

Nakarinig ako ng mahinang pagdaing ng may matamaan ako.

" Tsss, sleepy head." dito na mas lalong napakunot ang akin noo, grabe namang panaginip to parang totoo.

Nanigas ako ng pumasok ang isang bagay sa isip ko.

Parang totoo

Parang totoo

Parang totoo

Parang totoo

Napalunok ako ng may napagtanto, Isang halakhak ang namutawi sa gilid ko. Dahan dahan kong iminulat ang kanang mata ko kasunod ng kaliwa.

"Ahhhhhhh!!!" napabalikwas ako ng bangon ng makita siya sa tabi ko, nanlalaki ang matang itinuro ko ito ng hintuturo at bahagyang lumayo.

" Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

Naghihisterikal na ako, tinignan ko ang katawan ko at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakadamit pa ako. Biglang nag init ang mukha ko sa naisip.

Damn, bakit naman ganyan ang iniisip mo Ataska?

I looked at him, he look amused while looking at me. Pinasadahan nito ang kabuuan ko kaya mas lalo ang namula.

Bigla akong naconcious sa itsura ko, kinapa ko ang pisngi ko kung may tulo bang laway at buti na lamang wala dahil 'di naman ako ganun tsk. Nakaramdam ako ng hiya na baka hindi maayos ang itsura ko,shit! baka ang ampanget ko.

I heard him whistled and still look amused, sinamaan ko ito ng tingin.

" Anong ginagawa mo dito?! lumabas ka nga!"

Lumapit ako at hinila ito paalis sa kama, masyado siyang matigas pero kinaya ko pa rin. Namula ang pisngi ko, bakit iba ang nasa isip ko?! ihhhhh!!! napapadyak na ako sa inis.

" Lumabas ka nga!" humalakhak ito at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Relax baby, wala akong ginawa sayo. Ginigising lang kita because you're mom told so."nanlaki ang mata ko.

" Si mommy?!"

Bakit ganyan ka Mom?

" Oo, si mommy." ngumisi ito.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now