MPMMN:6

11.3K 525 64
                                    


Hating gabi na ngunit 'di pa rin ako dinadalaw ng antok. Nung tumakbo ako paalis kanina ay dumiretso ako sa tent namin at napagpasyahang matulog.

Lumipas ang isang minuto nang sumunod din si Willert at Kaicey na naghaharutan, nagpanggap akong tulog ng pumasok sila.

Ngayon, mahimbing na silang natutulog, nasa gilid ako habang pinapagitnaan namin si Willert. Masyadong awkward kung titignan pero no choice.

Napagpasyahan kung lumabas, malamig na hangin ang bumungad agad sa 'kin.

Dahan dahan ang naglakad ko habang tumutungo sa kung saan. Napatingin ako sa langit, ang daming nagkikinangang bituin kung saan naroon din ang nakangiting buwan.

Naalarma ako ng makarinig ng kaluskos sa kung saan.

Tumayo ako sa inuupuang damo at pinagmasdan ang paligid ng mahagip ng paningin ko ang kung sino.

" W-Willert?"

" Anong ginagawa mo dito?gabi na ah?" napantastikuhang napatingin ako sa kanya.

" Ako dapat ang nagtatanong niyan? anong ginagawa mo dito?"

" Sinundan lang kita...hindi mo ba alam na delikado na dito?" hindi ko siya pinansin.

Nag iwas ako ng tingin ng nanatili siyang nakatingin sa akin.

Umupo ako sa damuhan, naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko.

Namayani ang katahimikan sa amin, walang gustong magsalita.

Lumipas ang ilang minuto ng makaramdam ako ng antok, nagpasya akong tumayo na.

Pinagpagan ko ang suot na short at inayos ang salamin ko na nagulo.

" Ataska..." natigil ako sa paglalakad.

"hmm?"

"ahh," he mutter a cursed.

"Wala, nevermind."

Tumango ako at nagdiretso sa paglalakad, ramdam ko ang presensya niya sa likod ko.

It was one of my peaceful day. All of the students enjoy every moment, wala silang pinalagpas na kahit anong minuto lahat ay sinulit, but I'm not one of them.

I spend my time sleeping inside the tent, lalabas lang kapag naboring na ako saka pagmamasdan ang paligid.

Nature makes me calm, I just stayed and sat one of our tables, admiring the surrounding, watching them having fun while I'm just sitting there.

Minsan ay napapalingon sa'kin si Kristina upang yayain akong makilahok sa kanila pero iling lamang ang isinagot ko.

" At sino namang matitinong teacher ang magpapaproject ng sunod sunod?!" napapadyak si Kristina ng makita ang listahan ng mga project namin.

It's been week since our fieldtrip is done.

And now its hella' stressfull week. Napuno kami ng projects, wala namang kaso sa akin yon pero itong si Kristina kung magreklamo ay akala mo pasan ang buong mundo.

" Ahhh! Hindi nai-stress ang magaganda!" napangiti na lamang ako sa tinuran niya, tsk.

" Kaya dapat hindi ako stress kasi maganda ako!" at napasigaw pa siya, pero kalaunan ay napasimangot.

" Kapag ako talaga namatay dahil sa daming project mumultuhin ko yung mga teacher natin!"

" Hindi naman nakakamatay ang project," she pouted.

" Alam mo, mabuti pa kumain na tayo at nagugutom na ako, tara libre ko," inayos ko ang gamit ko saka nagpatangay sa hila ni Kristina.

Napangiti na lamang ako nang makita kung gaano kafrustated ang mukha niya.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now