Mapakla akong natawa habang pinagmamasdan ang mga nagkalat na tao sa NAIA AIRPORT. I guess, it's really a goodbye for the both of us.
Pinahid ko ko ang isang luhang nahulog mula sa aking mga mata. Wala akong karapatang umiyak dahil ako ang may kasalanan, desisyon ko 'to. Ang tanga tanga ko para sabihing namimiss ko siya. Oo, namimiss ko siya pero nawalan na ako ng karapatan buhat noong bumitaw ako.
That night was a gloomy night. Halos buong araw lamang akong nagkulong sa kwarto, walang ganang kumain at walang ganang makipag usap. I hate everything surrounds me. Gusto kong magsisi sa naging desisyon pero huli na ang lahat.
Wala na, tapos na, bumitaw na ako.
He begged, he cried, he kneeled. I never knew a man would do that. Doon ko nalaman na sobrang swerte ko pala sa kanya.He's begging for me, while I'm pushing him away.
Masakit, pero wala na akong magagawa. I know his hurt and it's my fault. Hindi na ako magtataka kung sa pagbabalik ko ay wala na akong babalikan.
"Tara na anak." Walang imik na tumango ako kay Mommy. Sa pag akyat ko ng eroplano ay hindi ko lubos iisiping, wala na nga talaga...
Umupo ako sa upuang para sa amin at isinuot ang headphone, ipinikit ko ang aking mga mata. Pinipigilan ko ang sariling muling umiyak sa tuwing naaalala ang lahat, ang masasayang pangyayari kung saan puno kami ng pagmamahal sa isa't isa, but now...it was all gone.
Nanginig ang balikat ko at hindi ko na maiwasang mapaiyak, naramdaman ko ang isang kamay na umakbay sa akin. Ngumiti siya sa akin at marahang itinango ang kanyang ulo. Si kuya, ilang beses na ba niyang isasakripisyo ang pag aaral niya para sa akin? Alam kong gusto ng makapag tapos ni kuya ngunit laging nauudlot dahil mas pinipili niya ako, mas inuuna niya ako. I hate myself for that, pwede bang kahit sandali isipin muna nila ang sarili nila.
Ilang oras din ang nilipad namin patungong America. Nang makarating kami sa airport ay may agad na sumalubong sa aming isang SUV na sigurado akong pag aari ng kapatid ni Daddy na dito na nagmigrate noong nakaraang taon dito sa America.
Thanks God at hindi ko naisipang magbalot ng katawan. Ang klima ay mainit ngunit hindi gaano kainit katulad sa Pilipinas. Habang nasa biyahe kami patungo sa tinitirahan ng kapatid ni Daddy ay hindi ko maiwasang mapagmasdan ang kapaligiran.
Ibang iba kumpara sa Pilipinas. I would say America is better but I like Philippines more. The view was 10 , perfect and good for photography. Nadaanan namin ay isang parke kung saan maraming tao. All I could say was half of them are blondes and their skin, oh well. White like snow white. Bigla akong napatingin sa sarili kong balat saka napangiwi.
Nang makarating kami sa tutuluyan, pumasok ako sa itinurong silid sa akin saka inilapag ang maleta. Pabagsak akong humiga sa kama at malalim na bumuntong hininga. Nakatitig lamang ako sa kisame nang hindi namalayang unti unti na pala akong nilamon ng kadiliman.
The next day was pure gloom. Mas lalong lumalala ang kalagayan ko, nagtuloy tuloy ang check up ko sa mga sumunod na araw. Habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang pakiramdam ko. Two days from now ay ooperahan na ako, to see if my cancer is malignant or not. Unti unti na ring nanghihina ang katawan ko sa patuloy na pagsakit ng ulo ko. Wala magawa ang lahat dahil cancer na ang aking kalaban. Kailangan ng magconduct ng surgery para maagapan ito.
Now, I keep staring my reflection in a mirror. Mapakla na akong natawa, the Ataska they've known was now all gone. My long wavy hair is gone. I am now a pure bald. Maigi kong pinagmasdan ang sarili ko. I'm wearing a hospital gown, my head is now bald. Tomorrow morning is my surgery. I felt nervous. I know, I'm gonna be okay, I need to be okay.
Nabaling ang paningin ko sa pintuan ng bumukas ito, nakita ko ang nakangiting mukha ni Mommy at Daddy kasama si kuya na binigyan lamang ako ng tipid na ngiti. Nilapag ni mommy ang mga pagkaing dala niya habang si daddy ay nagbabalat ng mga oranges.
" Don't worry okay? Everythings gonna be alright." Mom kissed my forehead and caresses my back, tumango ako at isinandal ang ulo sa kanyang dibdib. My eyes caught my brother, napakunot ang noo ko nang makita itong hindi mapakali.
I've known my brother for a long time at sigurado akong may bumabagabag sa kanya ngayon. Sinubukan ko hulihin ang tingin niya ngunit parati niya itong iniiwas.
" Kuya, may problema ba?" Hindi ko napigilang magtanong, natigilan siya sa tanong ko at biglang nag iwas ng tingin.
" P-problema? Wala naman...B-bakit?" Rinig ko ang pagkautal niya kaya sigurado akong hindi siya nagsasabi ng totoo, he keeps avoiding my gaze. Isinantabi ko muna ang lahat, binalewala ko ang pagkabalisa niya dahil wala naman ata siyang balak sabihin sa akin.
Nag umpisa akong kumain ngunit mas lalo dumagdag sa kuryosidad ko ang madalas na pagsulyap sa akin ni kuya pagkatapos ay babaling sa kanyang cellphone na may tinitipa na kung ano. Sinubukan kong silipin kung anong ginagawa niya ngunit agad niya itong itinago nang mahuli ako, napairap ako kapagkuwan at inismiran ito. He chuckled because of my expression.
I couldn't contain my smile, matagal na rin simula ng makita kong magningning ng totoong saya ang mga mata ni kuya.
Matapos kumain ay inayos ni Mommy ang lahat, si Daddy ay naunang tumayo ay pinagkiskis ang dalawang palad.
" Lalabas lang ako para bumili ng kape, the weather is getting cold arggh!"
Sabay sabay kaming natawa sa ekspresyon ni Daddy, he's to cute to ignore aww.
Naunang lumabas si daddy kasunod ay si mommy na dala ang pinagkainan namin. Ngayon, dalawa na lamang kaming natitira ni kuya. The silence was all over on us ngunit agad ding nasira nang makarinig kami ng tunog ng isang cellphone.
Ilang beses napalatak ng mura si kuya nang makita ang kanyang cellphone, nabaling ang paningin ko sa kanyang telepono na nakapatong sa lamesa ngunit agad niya iyong kinuha.
" Sagutin ko lang ito saglit."
Walang alinlangang tumango ako, narinig ko ang pagmumura niya habang palabas ng silid na kinaroroonan ko. May mga ibinubulong siyang kung ano at tinapunan ako ng isang sulyap bago lumabas.
"My brother is kinda...weird today."naiusal ko sa sarili at napabuntong hininga.
Naiwan akong mag isa, nilaro laro ko ang mga daliri ko at napanguso. Sinubukan kong humiga at napaigik nang biglaang sumakit ang ulo ko. Nagpasalamat naman ako ng agad din itong nawala.
Tanging tunog lamang ng orasan ang namutawing ingay. Nagdaan ang kalahating oras ay hindi pa rin bumabalik sila mommy kahit si kuya, unti unti na akong nabobored. Nag umpisa na akong magtaka ngunit agad ko itong isinasantabi.
Ilang beses pa akong napabuntong hininga bago mahagip ng mata ko ang isang bagay na nakapatong sa maliit na lamesa katabi ng hospital bed. Buhat noon ay hindi ko ito inalis, lagi ko itong pinagmamasdan na kahit sa picture ay nakikita ko siyang nakangiti.
We were happy that time, we were still holding onto each others arm, and we were happy making good memories. Bumalik na naman sa alaala ko ang lahat. Unti unting nangilid ang luha ko hanggang sa may isang butil ng tumulo.
Pinalis ko ang isang luhang nahulog mula sa aking mga mata. Making decisions were hard. It's about a matter of sacrifices. It's been two month since I last saw him.
Walang araw na hindi ko siya inisip, I want him beside me, I want to feel his hugs full of love. I want him comforting me just to ease the pain I've felt.
My days are very gloomy without him. I traced our pictures with my fingers, my tears can't stop from falling.
A loud noise caught my attention, nagawi ang tingin ko sa pintuan. My breathing hitched when I saw a familiar built. Nakapwesto ito na parang katatapos lang sipain ang pintuan. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita.
Willert...
--
A/N : Sorry for the late late late update huhuhu👉👈
Short update muna dahil hindi ko pa naiproproseso ng maayos ang utak ko HAHAHAHAHAHA
Masama kasi pakiramdam ko this past few days, besides sa masama pakiramdam ko ay inaatake ako ng katamaran. I'm sorry for that.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Novela JuvenilShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...