MPMMN:3

13.4K 600 54
                                    


" Good morning iha!" napangiti na lamang ako sa tinuran ni mang Lina.

Dumiretso ako sa hapag kainan upang magbreakfast ngunit napakunot ang noo ko ng wala si kuya.

" Manang si kuya Dwayne po?"

" Nauna ng pumasok, sumunod ka na lang daw," napatango ako saka nag umpisang kumain. Hindi pa rin ako pinapansin ni kuya mula kagabi.

"PAss your papers," kinuwit ko si Kristina ng hindi niya mapansin ang papel ko.

"Uyy"

"Teka lang," tumayo ako at nilapitan siya. Inayos ko ang salamin ko ng magulo ito.

"Hindi ka pa tapos?" umirap ito sa akin at napanguso.

"Tapos na! kung pinakopya mo lang sana ako." hindi ko pinansin ang sinabi niya, nagpasurprise quiz ang prof namin sa math kaya walang nakapagreview sa amin, buti na lang at alam ko iyong iba.

Nag ayos ako ng gamit para sa susunod na subject.

Dumating ang next prof namin at ganun pa rin ang routine. Magtuturo tapos magpapaquiz kaya minsan ay umaangal ang mga kaklase ko.

"Prof naman!"

"Isang example pa!"

"Grabe naman"

Tumahimik na lamang ako at pinagmasdan sila. Tulala akong nagmamasid sa bintana dahil wala akong kausap.

Hindi naman ako masyadong talkative, magsasalita lamang ako kapag kailangan at saka walang may planong may kumausap sa akin kung 'di si Kristina o si Kuya lang. Bumagsak ang balikat ko. Si Kristina busy makipagdaldalan kay Janine na katabi niya sa kabilang side. Totoo nga yata yung sinasabing kapag nasa tabi ng bintana yung pwesto mo sa classroom ay bigla ka na lang matutulala. Pinagmasdan ko ang mangilan ngilang studyanteng naglalakad sa labas. Medyo makulimlim ang langit kaya baka may nagbabadyang ulan. Nahagip ng paningin ko ang isang lalaki.
Pamilyar ang hugis ng katawan nito, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nagtaka ng may kahalikan ito. Sabi sabing siya daw ang playboy dito sa campus kasama si kuya ngunit kahit ganun ay hinahangaan pa rin. Kung saan saan umaabot ang mga kamay nito, hindi ba bawal ang PDA dito? nag iwas na lamang ako ng tingin.

" You will having a fieldtrip nextweek," naghiwan ang mga kaklase ko kaya naagaw nito ang atensyon ko. May mga naexcite at sinabing maghahanda na daw sila.

"Uyy sasama ka?" napalingon ako kay Kristina.
Napakibit balikat na lamamg ako.

"Ewan." binalik ko ang tingin ko sa bintana.

" Tara Ataska manood tayo!" napatakbo ako ng wala sa oras ng hilahin ako nito. Hindi na ako nakapalag kaya pinabayaan ko na lamang siya. Siksikan na ang buong basketball court ng makarating kami. Maraming naghihiyawan ng maagaw ni Throi ang bola. Tili dito, tili doon.
Unang beses ko pa lamang manood ng praktis nila ng basketball kaya hindi ko pa alam kung paano sila maglaro. Nakahanap kami ng pwesto ni Kristina sa medyo taas, umupo na lamang ako at tahimik na nanonood. Nahati sa dalawa ang grupo nila kuya, ang magkalaban ay si Kuya Dwayne at Willert. Parehas silang magaling sa pag shoot at pag agaw ng bola. Pansin pansin ang mga kaniyang kaniyang kakisigan. Naagaw ng atensyon ko si Willert, pinasadahan nito ng kamay ang buhok at nilibot ang paningin sa buong court.

" Go Willert!"

" Willert anakan mo ako!"

" Go Dwayne ang hot mo!!"

" Throilee my gummy bearrrr!!" nagulat ako ng biglang sumigaw sa tabi ko si Kristina. Naagaw namin ang pansin ng ibang studyante, ang iba ay pinasadahan ako ng tingin na may pandidiri.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now