MPMMN:5

11.5K 607 34
                                    

I started humming my favorite song when a sudden noise interrupted.

I sighed, naghahagikhikan ang mga kaklase ko habang umaakyat sa bus na sasakyan namin.

Pumwesto ako sa hulihan kung saan nakapwesto sila kuya. Pero kung ako ang papipiliin ay hindi sana ako tatabi sa kanila, gusto kong lumayo muna sa kanila para iwas gulo.

Ewan ko ba kung sumpa ba talaga ito o swerte ako dahil may kapatid akong sikat.

Sinuot ko ang earphone na pinahiram sa akin ni Kristina. Well . . . Kristina is busy flirting with his crush.

Tili siya ng tili kaya naiirita ako, busy naman sa pagkukiwentuhan si kuya at mga team mates niya.

Tinakip ko sa mukha ko ang bag na dala ko ng may ilan ilang studyante ang kinukuhaan ng picture sila kuya, haysst.

Binaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana nang maramdaman ang matang nakatingin sa akin, I don't want to assume but I think it's Willert.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Umiling iling ako at sinandal ang ulo ko sa balikat ni kuya, natigilan ito.

" Matulog ka na muna, malayo pa byahe natin," inayos ko ang salamin ko at pinikit ang mata.

Napangiti ako ng magplay ang paborito kong kanta, inayos ko ang suot kong earphone at nag umpisang kumanta sa aking isipan not knowing na naivo-voice out ko na pala.



Sabi nila, Balang araw darating


Ang iyong tanging hinihiling,

At nung dumating, ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli



Naramdaman kong parang tumahimik ang mga tao sa loob ng bus sa hindi malamang dahilan pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

At ngayon~

Nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan


'Di paaasahin, 'di ka sasaktan


Mula noon, hanggang ngayon


Ikaw at ako


Unti Unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.



Naalimpungatan ako ng maramdaman ang marahang pagyugyog sa balikat ko.

Inayos ko ang salamin ko dahan dahang dumilat. Nagbababaan na ang mga tao sa bus kaya nag umpisa na akong ayusin angmga gamit ko.

" Nauna na sila Throi, sinabihan ako ng kuya mo para gisingin ako." tumango lamang ako sa tinuran ni Kristina.

Humikab ako saglit at nag umpisang maglakad paalis ng bus.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Natulala ako sa tanawing nakikita.

Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin. Hapon na rin ng makarating kami kaya unti unti ng lumalamig.

Habang naglalakad kami sa isang daan na puro puno ay hindi ko maiwasang mamamgha. Ang ganda dito na tila ba isang paraiso, sa 'di kalayuan ay medyo dinig ang lagaslas ng tubig na nanggagaling yata sa isang talon.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now