Nang makarating kami sa bahay ay agad akong sinalubong nila mommy. Naiyak akong muli sa kanilang bisig.
Hindi ko akalaing darating sa puntong mararanasan ko ito. Akala ko ay sa palabas lamang ito nangyayari, ayaw tanggapin ng isipan ko na naging reyalidad nga ito ngunit ako ang biktima.
Galit na galit ang mga magulang ko ng makarating sa kanila ang balita. Nagsampa na din sila ng kaso. Kahit ako ay gusto ko na maaari ay magsampa nga ng kaso ngunit iniisip ko pa lang ang pamilya ni Sir Apollo na maapektuhan dito ay nagdadalawang isip ako.
Pero sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang lahat ay labis na pangdidiri at panghuhusga ang nararamdaman ko.
Nang gabi ding iyon ay may mga pulis na pumunta sa bahay ngunit hindi ko inaasahan na pupunta rin dito sila Willert.
Nagkatinginan kami saglit saka patuloy na sinasagot ang mga tanong ng pulis.
Nasabi ko rin ang minsang kakaibang tingin sa akin ni Sir Apollo sa tuwing may klase. Ang minsang paghaplos niya sa kamay ko na akala ko ay wala lang at ang mga iba pa niyang mga weirdong ginagawa nitong mga nakaraang araw.
Napasinghap sila kuya ng marinig ang kwento ko. Binigyan nila ako ng hindi makapaniwalang tingin kaya napayuko na lamang ako.
" Bakit hindi ka nagsasabi?! shit!" napahilamos ito sa sariling mukha na tila ba problemadong problema.
Tinignan ko si Willert ngunit bumagsak lamang ang balikat ko ng umiling ito at tinignan ako ng masama.
I can't help but to let out a sighed. Hindi ko sila masisi kung sana noon pa lang ay sinabi ko na ay maagapan pa siguro.
Patuloy lamang ang sermon na ginagawa ni kuya. Nakayuko lamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang kanilang mga mata.
12:30 AM, tingin ko sa wallclock na nakasabit sa kwarto. Kanina pa ako paikot ikot dito dahil hindi ako makatulog. Nakatingin lamang ako sa kisame at naghihintay na makakita ng interesting na bagay.
Nakarinig ako ng katok sa labas ng pintuan ko. Sa ganitong oras ay iisipin kong si kuya iyon but knowing na galit siya sa akin sa ay malabong maging siya iyon.
" Ataska, gising ka pa?" dinig ko boses ni mommy sa labas.
" Bukas yan Mom!" walang buhay na sigaw ko. Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito.
May dalang isang basong gatas si Mommy, ngumiti ito saka ipinatong ang gatas sa mesa malapit sa kama ko.
" Are you okay now?" lumubog ang kaliwang bahagi ng kama ng umupo si Mommy. Bumangon ako saka umupo.
" Maybe? Okay na siguro?"
Kahit sabihin kong ayos na ang lahat ay alam kong sa loob loob ko na hindi pa rin. Walang taong magiging okay agad kapag ganoon ang nangyari but I guess, maybe tomorrow ay balik na sa dati ang lahat.
" Mabuti pa ay icancel na muna natin ang pagsukat mo sa gown mo." bakas ang lungkot sa boses ni mommy dahil alam kong siya ang pinaka excited doon.
Nawala sa isip kong mamayang umaga na pala ang dating ng designer ng gown ko. Ngumiti ako at umiling.
Maaring hindi nga ako ayos pa ngayon pero hindi ibig sabihin nun ay hindi iyon matutuloy.
" No Mom, tuloy pa rin. Hindi pwedeng mapostpone yon." ngumiti ako saka bahagyang humilig sa balikat ni Mommy.
" Sigurado ka? pwede naman na next time na lang." umiling ako.
" Siguradong sigurado." bahagya ko itong hinalikan sa pisngi.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...