Gaya nga ng sinabi niya ay sabay kaming magla-lunch. I have this feeling the he planned this, he really make sure the we'll going to have a lunch together.
Bago kami pumunta sa likod ng paaralan kung saan unang nangyari ang lahat ay dinaanan muna namin ang kotse niya dahil may kukunin daw siya doon.
Pinaningkitan ko siya ng mata ng makita ang isang basket na punong puno ng iba't ibang pagkain. Tama nga ang hinala ko na plano niya na talaga ito.
Nag aalangan pa akong magpaalam kay kuya at halos magtatalon ako sa tuwa ng tumango lamang siya. Okay na yon, atleast he let me.
Nagkaroon pa saglit ng staring contest si kuya at Willert bago kami umalis. Ipinagtaka ko kung ano ba ang napag usapan nila but he just smiled.
Natatawang sinulyapan ko siya ng makita itong nakakunot ang noong nakatingin sa dinaraanan namin.
He gave me a warning glare but I just smirked and stuck my tongue out. Natatawang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Kanina niya pa gustong hawakan ang kamay ko pero pinigilan ko.
Gusto niyang holding hands kami habang naglalakad pero hindi pwede. Ayaw ko pang kumalat ang tungkol sa amin, he knows about that and says it's okay pero kanina ay talagang mapilit siyang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko lagi ito.
"You're cute." I was about to pinch his nose but I was taken a back when he hold my wrist and frowned. That was when I burst out laughing.
" Tsss." napahawak na ako sa tiyan ko kakatawa.
" Holding hands lang naman eh! hawak kamay! Gusto ko lang naman hawakan ang kamay mo! ang damot mo!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
Nahinto ako sa pagtawa at napatakip ng bibig habang pinagmamasdan ang ekspresyon niya, nakakunot ang noo at salubong ang kanyang kilay. He really looks frustrated.
" Oopps." nasabi ko na lamang, nagpipigil ang tawang napayuko ako pero maya maya ay napapabungisngis na ako hanggang sa hindi ko na kinaya.
" HAHAHAHAHA Omg Willert! I-I love you so much HAHAHAHA!"
" Shit! this is ridiculous! " tawa ako ng tawa nang makitang tinalikuran niya ako at nauna ng maglatag ng blanket sa gitna ng hardin sa may silong ng punong acasia.
Nang mahismasmasan ay nag umpisa na akong maglakad palapit sa kanya, nangingiting pinagmamasdan ko siyang ayusin ang basket na punong puno ng pagkain. Sinulyapan niya lamang ako saka biglang nag iwas ng tingin, god!
Napailing iling na lamang ako saka nag simulang tumulong. Sinamaan ko ito ng tingin ng bigla niyang tapikin ang kamay ko ng akma akong kukuha ng sadwich na nakahain.
Napaikot ng 360 degrees ang mata ko saka aabutin sana ulit ang sandwich ng tapikin niya na naman ang kamay ko.
" Anong problema mo?!" ngayon ako naman ang nakakunot ang noo. Tinignan ko ang sandwich na mukhang masarap, biglang nanunubig ang bibig ko.
" Tsss. You'll not eat that until I said so." inungusan niya ako saka nag umpisang kumain. Nakaramdam ako ng inis.
Kukuha na lang ako ng cheesecake. Aabutin ko na sana ng ilayo niya ito ng bahagya, damn! nagugutom na ako.
" Nagyaya yaya kang mag lunch! hindi mo naman ako papakainin!" naiinis na napasinghap ako. Nag iwas ako ng tingin at tumingin sa malayo.
" Hey." rinig ko usal niya pero hindi ko siya pinansin.
" Baby..." masarap sa pandinig pero manigas ka d'yan.
" Lubirea mea..." iniwas ko ang kamay ko ng akma niya itong hahawakan.
YOU ARE READING
Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]
Teen FictionShe's rich, her family is well-known, her brother is popular in their school, and she has everything. She's not an ordinary girl who goes clubbing at night, likes to socialize with others. She's a loner 'til she met her bestfriend. Everybody hates h...