Chapter 5

1.3K 33 0
                                    

Enzo's POV

Halata sa mga mukha ng kaklase ko na natatakot dahil sa sinabi ni xyra . Sabi ko na nga ba eh .. hindi lang kami ang tao dito .

Pano ko nasabi ? Kasi kanina nung naliligo kami sa dagat . May napansin akong babae na nakatayo sa gilid ng bahay ..

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil malayo Ito sakin . Lalapitan ko sana Ito ngunit tumakbo Ito papunta sa may kakahuyan sa likod ng bahay .. kaya hindi ko na sinundan at sigurado din ako na hindi ko iyon kaklase dahil nung pumasok ako sa bahay tingnan ko Isa Isa ang mga kaklase ko , kompleto kami at walang kapareha ng suot yung babae kanina .



Nakakapagtaka lang kasi Wala namang kalapit bahay dito . Pano mag kakaroon ng tao gayong nag iisa lang ang white House dito sa islang Ito .


Andito pa rin kami sa sala .. napagdesisyonan naming lahat na mag kwentuhan muna at hintaying mag alas 3 ng umaga para daw malaman namin kung yung kumakatok ng alas 3 ng umaga ..




Patuloy lang kami sa pagkekwento ng masasayang bagay ng biglang may kumatok sa main door ...



" Omg who was that " sabi ni rena .


" Gosh , I'm so fucking scared right now ! " Sunod ding sabi ni haley .



Tatlong sunod sunod na katok .. nung una'y katok lang at tumigil Din ngunit kumatok ulit ito pero kasabay ng katok ay isang marahas na hampas at para bang sa kakahampas nito ay para bang gusto niyang sirain ang pinto .


" Guys Anong oras na ?! " Biglang Tanong ni xyra .


Tiningnan naman lahat kung Anong oras na .. at nagtinginan kaming lahat ..




" 3am " sambit naming lahat .



" Sh***t totoo nga ang sabi ni manang Marie .." bulalas ni xyra na batid koy natatakot na din .



Nanatili lang kaming lahat sa sala ng biglang nag brown out ..


Nagsisigawan ang mga kaklase naming babae yung mga kaklase naman naming lalaki ay pinapatahan sila .. maging akoy natatakot na rin ...




Nang biglang may sumigaw ...






" Aaaaaaaaaaahhhh !!! "



********

Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon