Chapter 2

1.8K 49 0
                                    



Yashin's POV


Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock . Tiningnan ko ang oras 6am palang Hays ..


Bumaba na ako at nag handa ng agahan habang yung dalawa kong kaibigan na sina Sam at amanda tulog parin.

Siya nga pala nakatira kaming tatlo sa iisang apartment hindi dahil mahirap kami kundi dahil gusto naming mamuhay na hindi nakaasa sa mga magulang namin at mga katulong sa bahay . Inshort gusto naming mamuhay ng simple kaya napagdesisyonan namin na bumili ng apartment at dun manirahan .


Oh Sabado nga Pala ngayon , at mamayang alas nuebe ang punta namin sa school kaya , pagkatapos kong mag handa ng agahan , naligo Muna ako at tumungo sa kwarto ni Sam para gisingin siya .



Papasok ko sa kwarto niya at sinilip .. gising na siya at nakaligo na din at mukhang di niya naman ako napansin kaya isinara ko ang pinto niya at pumunta sa kwarto ni amanda .


Binuksan ko din ang kwarto ni amanda at sinilip , nakaligo na din siya . Kaya di Nako nag abalang tawagin siya na kumain na dahil baba na din Yan .


Pumunta Muna ako sa kwarto ko at inayos ang gamit na dadalhin ko at binitbit ko napagkababa ko.

Pagkababa ko nandun na ang dalawa ako nalang ang hinintay .

" Shinshin , bakit di nalang Ikaw ang mag luto pag nagbakasyun tayo ." Biglang sabi ni Sam .


" Oo nga shinshin ang sarap mong mag luto talo mo pa sina Rena " pagsang ayon naman ni amanda sa sinabi ni Sam .

" Tutulong naman ako sa kanila kung kailangan .. oh siya bilisan na natin at baka naghihintay nayung mga yun dun " sabi ko saka kumain .


-----

Pagdating namin sa school nandun na ang apat na van at nandun na din ang mga kaklase namin .

" Sino pa bang kulang ?" Tanong ko .


" Kayo nalang ang hinihintay kaya tara na " sagot naman ni xyra.


Sumakay na kami sa sasakyan . Tig aanim kami sa tatlong van at pito naman sa isang van.

Sa unang van ang magkakasama ay sina ,
Cathlia , renz ,Rena ,Ethan,xyra at kyle.

Sa pangalawang van naman ay sina Dianne ,Mathew , haley , franco , Shania at Alexander.

Sa pangatlo naman ay sina francheska , Enzo , rinzelle , fritzelle ,Vince , yumika at carl

At sa pang apat naman ay kami nina , Gab , amanda , darylle , Sam , brextone at ako .

Nauna naman ang van nina xyra dahil kina xyra ang lugar at siya lang ang may Alam sa Daan papunta dun.

Mahaba ang biyahe kaya nag lagay nalang ako ng headphone at saka sumandal sa gilid ng bintana ng sasakyan ..

----

Samantala ...


Xyra's POV

Habang papunta kami sa bakasyunan namin di ko Alam kong bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kaba .


Hindi naman haunted house ang pupuntahan namin. Isa lang siyang lumang bahay na kulay puti . White House kung tawagin nila dad . Dun kami nagbabakasyun Nung Buhay pa ang kambal kong si Xyrine Chanto ( pronounce as shanto ) .

Hay nalungkot ako bigla ... But naalala ko na naman siya .


Kung Buhay pa sana si Xyrine sigurado akong matutuwa yun na mag bakasyon kami sa white House fav. Place niya yun at dun din siya nawala.

Sana nandito ka chanto ....

Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon