Xyra's POV
" ano ? sumagot ka ? kilala .. mo .. nakilala mo na ba ang kambal ko ?''. tanong ko habang niyuyugyug ang balikat niya .
Tahimik na nag antay ang mga kaklase ko sa sagot ng lalaki . Habang ako hindi ko maintindhan ang nararamadaman ko , magkahalong kaba , pagtataka at takot .Takot dahil kong si xyrine ang pumatay sa tatay diego niya ay posibleng siya din ang pumatay sa mga kaklase ko . Kaba dahil sa pepwedeng mangyari .. at pagtataka ... nag tataka ako kung bakit sinasabi niyang si xyrine ang pumapatay eh matagal ng patay ang kapatid ko .
Kumalma naman ang lalaki sa isa isa kaming tiningnan at saka nag simulang magsalita .
" kilala na ang isla nato dahil sa dami ng namamatay na mangangahoy diyan sa kakahuyan . Sabi samin ng nag iisang nakakita na isang babaeng may dalang dalang manika .. kinilala ito nina aling marie na si xyrine ngunit ang sabi nga niya'y patay na daw ito matagal na . " tumigil muna ito sandali saka tumingin sakin." Ang haka haka dito samin .. ay baka daw nakipagsundo ito demonyo na muli siyang buhayin .. kapalit a ang pag patay , sa dami ng pinatay niya dito ay natatakot ang mga karatig bayan na pumunta dito upang mangahoy .. pero may iilan pading sumusubok. " mahabang litanya nito .
" Kaya ba nakikita ko siya minsan sa may kakahuyan ? " tanong ko .
" nakita mo siya xy ? " tanong ni yashin .
" ou pero ang akala ko ay guni guni ko lang .. " sabi ko uli .
" nakita ko din siya ... " biglang sabat ni brex .
napalingon kami sa kanya magtatanong sana kami kung kailan at saan .
" nakita ko siya nung nakita siya ni xyra at akmang susundan .. naaalala mo xy ? "sabi niya sabay tingin sakin .
" so nakita mo din pala .. ba't di ka nagsabi sakin na nakita mo siya ? " tanong ko.
" Ayaw ko lang dagdagan ang takot mo nung oras na yun .. " sabi niya .
natahimik kami sandali hanggang sa ang kambal na zelle na ang bumasag sa katahimikan .
" so it means na kakambal mo ang pumapatay xyra ... pero matanong ko lang diba patay na siya ? ano ang ikinamatay niya . " tanong ni rinzelle .
" oo nga .. curious kami .. " sigunda naman ni fritzelle.
tiningnan ko ang mga kaklase ko tumango lang sila , nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi .. pero sa huli ay napagdesisyunan ko na ikwento nalang ..
" Ang ikinamatay niya ...... ? ginahasa at sinunog ang katawan niya .. " panimula ko na siyang kinagulat nila . " Mailap lumapit sa tao ang kapatid ko , kung ano ako ay siyang kabaligtaran niya naman .. Ako lang ang naging kaibigan niya simula pagkabata .. hanggang sa dumating ang araw na nawala siya sa kakahuyan at nung mahanap namin siya .. ay isa ng malamig at sunog na bangkay nalang niya ang nakita namin . " sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko ." kalunos lunos ang sinapit niya sa taong pumatay sa kanya .. pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit gusto niyang mabuhay ulit ." dagdag ko.
" siguro dahil gusto niyang maghiganti sa taong pumatay sa kanya .. o kaya naman ay may iba pang dahilan .. " sabi ni yashin .
ano nga ba ang dahilan niya ba't siya nakipagsundo sa demonyo kapalit ng pagkabuhay niya .. Ano ba ang dahilan mo chanto ...
*****
Please vote and comment kung may tanong kayo ..
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Terrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?