Renz's POV
Naiwan akong mag isa sa sala , na siyang pabor din sa akin para mag isip isip . *Sigh* lahat sila galit sakin desperado lang naman ako kanina Ayoko pang mamatay . Ayokong mamatay dito sa bahay nato .
Humiga muna ako sa sofa dito sa sala saka ipinikit ang mata . Mas mabuti na sigurong itulog ko muna to .
--
Nagising ako ng may kumalabit sakin . Dinahan dahan ko ang pagmulat dahil masakit ang mata ko . Ng medyo nawala na ang sakit ay siya namang gulat ko at napatayo dahil sa nakita ko isang babaeng maputla at may dugo ang mukha . Dahil sa gulat ikinurap kurap ko ang mata ko at ng naging malinaw na ay si amanda lang pala ang nasa harap ko .
Namalik mata yata ako kanina , pero parang totoo talaga eh . Naputol naman ako sa pag iisip at nabalik din sa realidad ng tapikin ni amanda ang kamay ko.
" Hoy ! Nakikinig ka ba?" Tanong niya.
" H-ha ? Ano ulit ang sabi mo ? " Tanong ko pabalik .
" Ang sabi ko , halika na't manananghalian na tayo ." Sabi niya. " Bakit ka ba kasi nakatulala at namumutla ka pa ?" Dagdag pa niya .
" Ha ? A-ah wala .. tara gutom na din ako ." Sabi ko.
Tahimik kaming nananghalian ni Isa samin walang nag salita kaya mabilis kaming natapos kumain . Yung ibang kaklase ko ay umakyat na sa kwarto nila habang ang iba naman ay nasa kusina pa din nag liligpit at nag huhugas ng pinagkainan .
Ako . Andito ako sa dalampasigan tinatanaw ang maruming dagat . Ilang sandali pa akong nag stay ng may umupo sa kanang gilid ko . Nang tingnan ko bigla akong naguilty .
" Renz ..." Panimula niya pero ng hindi niya tinuloy ay tiningnan ko siya at saka ko lang napansin na malungkot ang mukha niya.
" Bakit ka ba nandito " sabi ko sabay iwas ng tingin ko sa kanya .
" Renz pwede ba ... Kalimutan na natin ang nangyari satin dati at maging magkaibigan nalang tayo ulit ." Nabigla ako sa sinabi niya . Kalimutan ? Eh ang laki ng kasalanan ko sa kanya ang hirap kalimutan nun . Hindi ako sumagot kaya nag patuloy siya.
" Matagal na kitang pinatawad noon nong hindi ka nag tiwala Sakin dahil mas pinairal mo ang galit at selos mo kay ethan na dapat ay hindi mo naman dapat pinagseselosan ." Litanya niya . " Sana naman ngayon .. huwag mo akong pagdudahan . May Mali din naman ako . Yun Yong hindi ko pagsabi sayo na may kakambal ako kaya siguro mahirap paniwalaan ." Mahabang litanya niya .
Napabuntong hininga ako dahil Tama nga naman siya hindi ako nakinig sa kanya dati at mas lalo ng hindi ako nag tiwala sa kanya noon magpahanggang ngayon . Pero ngayong sinabi na niya lahat ng yun ay saka ko lang na realize na Mali pala talaga ako .
" I'm sorry Xy , sorry kasi inulit ko na naman ang ginawa ko . " Sincere kong sabi ." Kaya naman sige , let's be friends .... Again " sabi ko . Nabigla naman ako ng sumandal siya sa balikat ko . And because of that I feel relieved.
Matapos naming mag usap ay sabay na kaming pumasok sa bahay . Nadatnan namin sila na nag hahanda ng haponan .
" Ah guys ? Ang aga ata niyong mag prepare ng food for dinner ." Takang Tanong ni xyra
" Ah kasi napagdesisyonan nina yashin na mag open forum tayo mamaya dito sa sala ka kung mas maaga tayo matapos kumain maaga din tayong makakapagsimula " nakangiting sabi ni fritzelle .
" Yeah guys , and knowing na may mga ilan satin diyan na nagkakasamaan ng loob kaya mas mabuti ng magka alaman na diba twinny ? "sabat naman ni rinzelle .
Napatango lang kami ni xyra sa sinabi nila at napagdesisyonana na lang namin na tulongan sila . Nang matapos kami sa pag hahanda ay saka namin tinawag ang iba para kumain , alas sais na din kasi medyo napaaga talaga ang dinner namin at mukhang seryoso sila sa open forum nayan nila .
Pagkatapos naming kumain ay nag tipon tipon kami sa sala . Bumuo kami ng pabilog para makita namin ang isa't isa .
" sige ganito , since open forum naman to , ako una ang mag tatanong sa inyo kailangan honest kayo ha , open nga di ba kaya yun kailangan honest . " panguna ni yashin . " okay my first question to all of you and to myself also is are you guys still virgin ? i know it sound bad but i just want to know . So lets start to you Xyra at paikot na hanggang sa umabot sakin ang tanong . '' dagdag niy .
Tahimik kaming nakatingin kay xyra .
" hmm ... I'm still virgin " sabi niya ng nakangiti.
" okay next. " yashin .
" ako din buo pa ang vcard ko " sam.
" ako din " amanda
" lalo na ko noh wala akong girlfriend eh . " gab.
" ako hindi na . " Haley.
Napatingin kami sa kanya . " seriously ?! " tanong ni yashin. Ngumiti lang si haley . " sige pag usapan natin yan mamaya . okay next . "
Nagpatuloy lang kami hanggang sa umabot kay yashin . Bukod kay haley hindi na din virgin sina rena , shania , cheska at cathlia na siyang kinagulat namin dahil ang naka first blood pala eh si paring vince . Sa mga lalaki naman ay sina kyle , mat at enzo .
Nakakagulat ang rebelasyon nila , sobra ....
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Terrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?