Chapter 17

1.1K 39 5
                                    

Yashin's POV

Andito kami ulit sa likod ng bahay , hindi para mag linis sa puntod kundi para ilibing ang bangkay ni franco .

Natagpuan ang bangkay niya sa tapat ng hagdan , nung una'y akala nila darylle na nahulog siya sa hagdan pero ng lapitan nila ito ay napasin nila ang mga natamong sugat nito sa tagiliran bagamat nakadapa ito ay hindi pa nila masyadong nakita ang ibang sugat sa harapan bahagi ng katawan ni franco .

At ng makalabas na kami ay itinihaya namin siya para sana mabuhat siya ng maayos nina darylle pero ng maitihaya na ito'y ganun nalang ang gulat namin ng makita ang leeg niya , dahil konting push nalang ay mahihiwalay na ang ulo niya dito .

" Ang lupit ng sinapit niya .." sabi ni haley .

Tahimik lang ang iba sa amin  lahat kami'y nalungkot sa nangyari dahil nabawasan na naman kami . Pagkatapos mailibing ang bangkay ay agad nag sibalikan sa loob ang mga kaklase ko at naiwan kami nina Sam , Enzo , darylle , brex , ako at si xyra na halatang balisa .

" Xyra okay ka lang ?" Tanong ko .

Tumingin naman siya sakin at pilit na ngumiti . Nakita ko din ang lungkot sa mga niya .

" Guys , hindi na pwede tong mga nangyayari ... Kailangan na nating kumilos para mahanap ang mamamatay tao na yun , kung sino man yun !" Sabi ni Sam na may bahid na pagka inis sa boses niya.

" Tama si Sam kailangan na din nating mag isip ng paraan Kung papano tayo makaka alis sa lugar nato kung sakaling hindi natin mahanap ang mamamatay tao na yun ." Sabat naman ni darylle.

" Kasalanan ko to " biglang sabi ni xyra saka humikbi ." H-hindi n-naman ma-mamamatay ang mga kaklase natin kong hindi ko kayo dinala dito ." Dagdag pa niya .

Random ko guilt na nararamdaman niya dahil maski ako ay sinisisi ang sarili ko . Dahil ako naman talaga ang puno't dulo nito .

" Huwag mong sisihin ang sarili mo Xyra . Walang may gusto ng nangyari . " Sabi ni brex saka lumapit kay xyra at pinahid ang luha .

" Tama nga si brex , huwag mong isisi sa sarili mo ang nangyari ." Pagsang ayon na komento naman ni Enzo.


Sandali kaming natahimik at tanging ang pag iyak lang ni xyra ang naririnig .

Ilang sandali lang ay binasag ni Enzo ang katahimikan .

" Alam niyo , nagtataka kasi ako eh . Kasi diba namatay ang mga kaklase natin ng di man lang natin narinig ang paghingi nila ng tulong ." Takang sabi ni Enzo.

" Yun ay dahil sound proof ang lahat ng silid sa bahay na to ." Sabi ni xyra ." Pina sound proof ito nina mommy at daddy dahil mahilig kaming magpatugtog  ng music ng kakambal ko ." Dagdag pa niya .

" Pero bakit lahat ng kwarto? ." Tanong ni Sam .

" Yun ang hindi ko alam kung bakit."sabi sabay bagsak ng balikat .


Hindi naman na kami umimik at napagdesisyonan na din naming pumasok sa bahay . Papasok namin agad namin naabutan sina rena at haley na naghahanda ng snacks .

Maswerte kami at hindi pa kami kinukulang sa pag kain dahil sa sobrang Dami ng pinamili namin nung bago kami dumating dito.

" Oh Yash , andito na kayo . Halina kayo't mag si kain na . " Aya ni rena .

" Sige ." Saka sabay kaming umupo .

Tahimik lang kaming kumain ni Isa sa amin ay ayaw mag open ng topic at bakas din ang kalungkutan sa mga mata nila .

Mas lalo tuloy akong naguilty ...

---

Someone's POV

Nasisiyahan ako sa aking nakikita sa kanilang mukha . Takot , guilt at lungkot yan ang nararamdaman nila na kina saya ko .

Dahil sa pamamagitan ng mga emosyong yan ang mag bibigay sakin ng lakas .

At kapag nabalutan na sila ng mga emosyong yan ay ang makapagpapabuhay sakong muli.



Malapit na ...

*****

A/N: hindi na carry Bels ng mga beautiful eyes ko , sobrang until na talaga ako . Bawi ako bukas .😘

Don't forget to vote this story 😊 lovelots readers😊

Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon