Chapter 18

1.1K 30 2
                                    

Renz's POV

Andito kaming lahat sa sala , kakatapos lang namin kumain ng snacks . Sobrang gloomy ng paligid lahat kami sobrang nababahala na sa nangyayari .

Tatlo na samin ang namatay at kapag hindi pa kami aalis dito baka ubusin na kami ng killer na hindi namin alam kung sino .

Pero hindi kaya Isa lang samin ang pumapatay at baka may galit siya samin kaya nagawa niyang pumatay .


Busy sila sa pag uusap patungkol kung paano kami aalis dito yun ay kung makakaalis kami dito .


" Wait guys .. hindi kaya Isa lang satin ang pumapatay ?" Sabat ko sa usapan nila .

" Anong ibig mong Sabihin renz ?" Tanong ni Shania .

" Well , sa mga nangyayari ang hirap na magtiwala , hindi kaya si xyra talaga ang pumapatay ?" Sabi ko sabay tingin kay xyra . Gulat siyang napabaling sakin.


" Anong pinag sasabi mo renz? Dont accuse me such things that I didn't do " sabi niya .


" Then why so defensive hanson ?" Hamon ko sa kanya .

" I'm not being defensive ! It just like .... Ugh ! Im out of here .." sabi niya saka tumayo pero bago pa siya umalis hinarap niya muna ako ." Well , ou nga naman ang hirap mag tiwala lalo na't ako ang nag dala sa inyo dito pero kahit ganon wala akong masamang balak sa inyo , pero sa ika tatahimik mo pwede niyo naman akong itali para maka sigurado kayong wala ng mamamatay yun ay kung ako talaga ang pumapatay . Tsk hindi ko inaasahan na ikaw pa sa lahat ng nandito ang makakapagsabi niyan ." Sabi niya pagkatapos ay tinalikuran kami .


Tahimik naman naming sinundan siya ng tingin .

" see she's being defensive , akala niya porket ex ko siya magt--- " naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumuntok sakin . Napaupo ako at ng Tingnan ko . " Wow here comes the knight in shining armor , grabe iba talaga ang ganda ni hanson kasi pati Ikaw ethan nabihag sa mapanlinlang niyang alindog " sabi ko kaya sinuntok niya ako ulit.

" Stop talking shit about my cousin you bastard ! Kahit kailan talaga napaka kitid ng utak mo kaya ka hiniwalayan ng pinsan ko dahil ganyan ka mag isip !" Sabi niya akmang susuntukin ako pero hinawakan siya ni .... Xyra .


" Tama na couz , hayaan mo siya ." Sabi niya sabay hila kay ethan .

Pinatayo naman ako ni Vince at Enzo . Pagkatapos kong pagpagan ang damit ko saka ko lang napansin na nakatingin silang lahat sakin .

" What ?" Tanong ko .

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha renz? Sa tingin mo makakatulong yang pagbibintang mo kay xyra .?" Sabi ni yashin .

" Well guys I'm just saying , malay niyo siya talaga di ba ?" Depensa ko .

" Ugh ! Stop saying that renz ! Hanggang ngayon ba bitter ka pa din kay xyra kaya ginaganyan mo siya ." Galit na sigaw niya ." Pati si ethan na pinsan pala niya ginago mo din ! Pagkakaisa ang kailangan natin ngayon hindi selfishness ! For God sake renz move on " dagdag niya sabay alis .

" Wow ! Renz nice job ! Nagkakagulo na tayo nice !" Sarcastic na sabi ni sam saka umakyat sa kwarto .

Natahimik naman ang mga Kasama ko .

" Ano ? Wala ba kayong idadagdag na sasabihin ? Sabihin niyo hanggang maaga pa !" Inis na sabi ko.

" Psh ! Malala ka na talaga renz , tara twinny sa kwarto ." Sabi ni rinzelle saka tumayo at umakyat papuntang kwarto nila sumunod naman si fritzelle pati yung iba nag si alisan na din .


Now , I feel guilty . Ugh I mess it up. Im such a jerk .

***"""

Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon