Someone's POV
(Habang nag kukulitan ang mga mag kaklase sa hapagkainan may isang taong nakatingin sa kanila.)
Sige magsaya kayo sa ngayon , dahil mawawalan na naman kayo ng kaklase kaya sulitin niyo na lahat naman kayo papatayin ko.
Tinitingnan ko ang nag iisang taong naming importante sa buhay ko na ngayon ay nakalimutan na ako dahil sa mga bago niyang nakakasalamuha at mga kaibigan.
Mas lalo lang akong nakakaramdam ng galit sa kanya dahil nagagawa niya pang magsaya at may mga kaibigan at may lalaking nagkakagusto sa kanya , samantalang ako .. hindi ko naranasan ang maging malaya at masaya .
Hindi bale , di magtatagal magkakasama din tayo sa Dilim .
Malapit na ...
---
Kyle's POV
Napuno kami ng kulitan dahil kay xyra at brextone . Todo kanchaw kami kay brextone na hanggang ngayon ay Kamatis parin ang mukha at di pa rin umiimik .
" Oy pareng brex , magsalita ka naman kahit isang word lang nang sa ganu'y di mapanis ang laway mo dyan " sabi ko sabay tawa .
" Pabayaan mo nasi pareng brex parts .. kinikilig pa yan hahaha " gatong naman ni ethan.
" Hoy ! Mga ugok mag si tigil nga kayo sa kakatrip dyan kay brex at kumain kayo ng tahimik " saway naman ni Vince samin.
Tumahimik naman kami .
" Nga pala .. ano ng gagawin natin ngayon , pano tayo aalis sa lugar nato . " Tanong ni amanda .
" Any plans or suggestions ?" Dugtong ni Sam .
Tahimik parin kami , halatang nag iisip .
Paano nga ba kami makakaalis dito , eh wala naman kaming magagamit na sasakyang pandagat para mapuntahan namin ang van namin sa kabila ng isla .
Hmm .. kailangan lang namin ng communication ..
Communication ..
" Guys ! Tumawag tayo ng rescue , may mga cellphone naman kayong dala di ba ?? " Sabi ko .
" Oo nga no ... Bat ko ba nakalimutan " sagot ni haley.
Agad naman silang nag si tayo at nagsipuntahan sa kwarto para kunin ang mga phone nila .
Tumayo din ako para kunin yung akin .
Pero ng hinanap ko Ito sa kwarto ay wala ito . Nakakapagtaka naman hindi ko naman yun ginamit Simula ng dumating kami dito . Kaya paanong mawawala yun .
Lumabas ako ng kwarto , nakasalubong ko pa sina carl at ang iba pa sa may hagdan paakyat sila at ako namay pababa .
" Oh kyle , san phone mo ?" Tanong ni Enzo.
" Wala eh , nawawala di ko Alam kong asan na yun ." Nakalabing sabi ko.
" Ganun ba , sige kunin muna namin yung mga phone namin ." Sabi naman ni Mathew.
" Sige " maikling sagot ko saka bumaba . Pagdating ko sa may sala naabutan kong nakakunot ang mga noo ng mga kaklase kong babae at si haley naman ay parang naiiyak .
" Oh bat ganyan ang mga itsura niyo ?" Tanong ko .
" Nawawala kasi ang mga cellphone namin , yung sayo asan ?" Tanong ni amanda .
" Nawawala din .. hintayin nalang natin yung iba . " Sabi ko.
Ilang minuto din kaming nag hintay , ng sabay sabay na bumaba ang iba pa naming kaklase .
" Oh , san ang mga phone niyo ? " Sabi ni yashin .
Umiling naman silang lahat na siyang kinabagsak ng balikat ko.
Wala na .. wala na talaga kaming takas sa lugar nato .. kainis !
,******
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Horrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?