Chapter 16

1.1K 28 3
                                    


Continuation ....

Franco's POV

" Matagal ........... na ......... siyang .............. Patay ." Putol putol niyang sabi .


Nagulat kami sa pangalawang pagkakataon .



" P-patay na ?! " Halos pasigaw na sabi ni amanda .

Tumango lang si xyra .


" At dito din sa isla siya nawala at namatay ." Sabi niya sabay ng pagtulo ng luha niya .



" Sorry xy ha .. pero gusto pang namin malaman .. magkamukha ba kayo ng kambal mo ?" Tanong ni Enzo .


" Enzo huwag na muna nating itanong , tingnan mo oh ang lungkot ni xyra .. baka aya---" sabi ko pero pinutol agad ni xyra .

" Okay lang franco .. mas mabuti na din na ibahagi ko sa inyo ito ng sa ganun mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko ." Sabi niya saka pinahid ang luha niya.

" Sigurado ka ? " Tanong ko .

" Ou nga xyra , baka mas lalo ka lang malungkot .. " sabat naman ni brex.

Ngumiti muna si xyra samin ni brex bago nag umpisang mag kwento .

" Gaya ng sabi ko .. may kakambal ako , Xyrine Chanto Hanson . Saming dalawa , siya ang mas nakakatanda pero napakamahiyain at di pala kaibigan , Chantal ang tawag niya sakin at Chanto naman ang tawag ko sa kanya ." Ngumiti siya saka nag patuloy." At sa Tanong mo Enzo .. Ou magkamukha kami .. makamukhang magkamukha , magkasing tangkad kami ang pinagkaiba nga lang ay ang mga buhok namin . " Sabi niya .

" May bangs siya at itim ang buhok hindi ba?" Tanong ni Vince.

Napatingin kami sa kanya saka tumingin uli kay xyra .

" Tama ka .. palagi din siyang may dalang manika ... Manika ng iniregalo ko sa kanya nung 12th birthday namin."sabi ni xyra .


" Manika ? " Tanong ni Vince." Kung ganun , hindi kaya siya yung babaeng nakatanaw samin nung naliligo kami sa dagat nung upang araw natin dito ." Dagdag pa niya .


" At siya din yung babaeng hinabol ko . " Enzo.

" Siya din yung babaeng tiningnan mo sa may kakahuyan kanina , hindi ba ?" Sabat ni brex . Agad namang napatingin si xyra sa kanya .


" Nakita mo din ? " Tanong niya , tumango naman si brex ." Akala ko ako lang ang nakakakita sa kanya .. kasi nakita ko din siya nung nasa kwarto ako .. kinausap pa nga niya ako eh .. " sabi pa Niya .


" Hindi kaya siya ang pumapatay ?" Biglang Tanong ko.


" Pero imposible yun , franco .. matagal ng Patay ang Kapatid ko ." Sabi ni xyra .


Natahimik naman kami " hindi kaya nag mumulto ang  kambal mo ." Tanong ko .



" Ewan " sabi niya saka nag kibit balikat .

-------


Nang natapos kaming magkwentohan ay agad kaming nag haponan at pagkatapos ay umakyat na sa kanya kanyang kwarto nila maliban sakin . Ako kasi nag presintang maghugas ng pinagkainan namin .



Nasa kalagitnaan na ako ng paghuhugas ng biglang may naramdaman akong palapit sakin . Bigla nalang nanayo ang balahibo ko .


Haharap na sana ako ng biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo ko dahilan para matumba ako , at bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ko pero Malabo na ang mata ko at tuluyan ng mawalan ng malay .


----

Nagising naman ako sa madilim na kwarto . Tanging ang liwanag ng buwan ang nag sisilbing ilaw.



Inilibot ko ang mata ko sa kabuoan ng silid .. meaning gamit na halatang luma na .



Storage ? Nasa storage room ako  isip isip ko. Tatayo sana ko pero hindi ko magawa dahil nakatali pala ang kamay at paa ko sa inuupoan kong silya at saka ko lang din napansin na may takip na duck tape ang bibig ko.

Pilit kong kinakalas ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakatali .


Ilang minuto ko ding sibukang makawala ng may tumawa.


Saka ko lang naaninag ng isang babaeng nakatayo sa harap ko.



" Sino ka ?! Pakawalan mo ako dito ! Ikaw ba ang pumatay kay yumi at Dianne ?! " Sunod sunod kong Tanong .



" Oh yes my dearest franco .." sabi niya sabay tawa na parang baliw.


" Pano mo nalaman ang pangalan ko ?" Sabi ko .


Tumawa naman siya saka binuksan ang lampara sa gilid niya sapat na para makita ko ang mukha niya , tinanggal niya naman ang nakatakip sa bibig ko .



" Xy--Xyra ?" Nananantyang Tanong ko.


" Aaaaw , I'm sorry to disappoint you darling but I'm not xyra .... I am Xyrine ." Sabi niya na kinagulat ko.



" Imposible ! Patay kana diba ?"Tanong ko .



" Hahaha yeah , Im definitely dead sa paningin at paniniwala nila and yeah Patay na talaga ako but I came back to kill all of you including that traitor sister of mine kong tutuosin dapat siya yung namatay at hindi ako .. " sabi niya sabay tawa na parang demonyo .




" An---- aaaaaaah " naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinampas ang binti ko ng baseball bat .



" Too much talking darling " sabi niya sabay hampas ulit ng binti napadaing ako sa sakit ng hampas niya . Parang nabali ang nito ko sa hampas niya .



" Oooooh it hurts right ?! But don't worry my dearest franco , mamatay ka din sa pagsapit ng tamang oras . " Nanggigil na sabi niya ." Pero bago kita patayin ng tuluyan pahihirapan muna kita ,and after torturing you .... I will gonna kill you ... With passion " mahabang sabi niya sabay hampas ulit ng binti ko .



Di pa siya nakuntento sa baseball bat . Kumuha siya ng kutsilyo at deritso itinarak sa tagiliran ko , idiniin niya ang pagkakasaksak .



Unti unti na akong nang hihina at nawalan narin ako ng pag asa na mabuhay .



Hinugot niya bigla ang kutsilyo kaya napadaing ako sa sakit .

Nandiri naman ako ng makitang dinilaan niya ang kutsilyong may dugo ko. At ngumisi na parang demonyo .


" Ang sarap talaga ng dugo ng tao . Hahaha " sabi niya saka ako tiningnan ng mga nanlilisik niyang mata ." Ilang araw nalang din at mabubuhay na ako ... " Sabi niya sabay Tarak ulit ng kutsilyo sa braso ko .


Hindi niya hinugot ang kutsilyo na nasa braso ko sa halip at kumuha siya ng itak.


" At dahil ilang Segundo nalang bago mag 3am ." Sabi niya . " I will give you the death that you deserve . " Sabi niya saba hataw ng itak sa katawan ko ng maraming beses . Naputol na din ang isang kamay ko .


Unti unti na akong binabawian ng Buhay .


" And for the finale ... " Sabi niya at hinila ang buhok ko at itinapat ang itak leeg ko." Goodbye franco ..." At tuluyan nga niyang ginilitan ang leeg ko .


******


Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon