Xyra's POV
Nabawasan na naman kami ng isang kaklase , at habang tumatagal lalo akong natatakot at nagiguilty sa nangyayari . sino ba ang may gawa ng karumal dumal na pangyayaring ito.
Paano ko ba maiaalis ang mga kaklase ko dito , patay na si mang diego at mang isko , pati na rin sina manang . Ano ba talaga ang nangyari dito .
Andito kami ngayon sa likod ng bahay kung san nilibing ang mga namatay , at kung san natagpuan si yumika , napaka brutal ng pagkakapatay sa kanya . Dahil bukod sa mga pasa niya sa katawan at sugat sa ulo , binalatan pa ang kalahati ng mukha niya at kinuha ang isa niyang mata .
Nag hihinagpis kaming lahat sa pagkamatay ni yumika , isa kasi siya mga mabuti naming kaklase . Nang matapos na ang pakalibing sa katawan niya , ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko pero nag paiwan ako .
Nilagyan ko ng maliliit na bato ang paligid ng libingangan niya gaya ng ginawa ko sa mga libingan nina manang marie ng sa ganun ay maganda ang kanilang libingan . Nilagyan ko rin ng bulaklak sa ibabaw ng puntod niya at ng matapos ako'y tumayo ako at pinagpag ang short ko .
Papasok na sana ako ng bahay ng biglang may tumawag sakin .
" Chantal "
Napalingon ako sa likod ko pero wala namang tao akong nakita , at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla nalang nanayo ang mga balahibo ko at bigla rin akong nanginig . lumingon lingon ako sa paligid ko ng may mahagip ang mata ko sa may kakahuyan .
Isang babaeng may dalang manika , pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil natatakpan ng buhok niya . Bigla itong tumakbo papasok sa kakahuyan , kaya akmang susundan ko ito pero may biglang humawak ng kamay ko .
" Xyra "
tumingin ako sa may ari ng kamay na humawak sakin .
" brex " mahinang sambit ko .
Ngumiti ito sakin ." Andito ka lang pala , kanina kapa hinahanap nina yashin , kakain na .. tsaka ano bang tinitingnan mo diyan kanina at nakatulala ka " . sabi niya sakin ng may nagtatakang tingin . Nang maalala ko ang babaeng may dalang manika ay agad kong nilingon ang kakahuyan .
" ah wala .. may iniisip lang ako , tara pasok na tayo . " sabi ko sabay ngiti at hinawakan ang kamay niya .
Lalakad na sana ako ng mapansin kong hindi siya gumalaw at ng tingnan ko siya ay nakatingin siya sa mga kamay namin at ... teka bat namumula ang tenga niya .
" hoy brex " tawag ko sa kanya , napatingin naman siya sakin . " sabi ko tara na " sabi ko habang hawak pa din ang kamay niya .
" a-h sige tara ." at pumasok kami sa loob .
Pag dating namin sa kusina nadatnan naming may kanya kanya silang ginagawa pero ng lumingon sila samin ay bigla naman silang napahinto sa mga ginagawa nila .
" what ?! " tanong ko.
Bigla namang humagalpak sa kakatawa sina darylle , matthew at kyle . " hoy bat kayo tumatawa ? may dumi ba ako sa mukha ? "takang tanong ko.
" hahaha grabe , wala namang dumi ang mukha mo xyra ... si brex kasi hahah " natatawang sabi ni kyle.
" oh anong meron kay brex ? " tanong ko ulit. tumawa naman silang lahat na ngayo'y nakatingin na samin.
" eh kasi naman xy , yung kasama mo para ng kamatis sa sobrang pula hahahahah " sabat naman ni rena .
napatingin naman ako kay brex at literal na napanganga at nagulat ako . kulay kamatis na nga ang mukha niya . nag iwas naman siya ng tingin .
" hoy bat ang pula ng mukha mo brex ? "tanong ko.
" alam mo xy may pagka slow at may pagkamanhid ka din eh no ." sabi ni amanda .
" ha? "
ako slow ? at manhid ? di ah ..
" bakit ba ? " takang tanong ko ulit .
nagtawanan naman silang lahat ." hay nako xyra .. kaya namumula yang si pareng brextone , kasi hawak mo ang kamay niya at dahil may gusto siya sayo kaya ayan ... " sabi naman ni enzo.
huh ? may gusto siya sakin ?
--
A/N : nilagyan ko siya ng love story para hindi lang siya puro brutality at horror .
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Hororhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?