Cathlia's POV
Nang makita namin ang mga bangkay na naagnas bigla kaming napasigaw .
At ng Sabihin ni rena na ilang araw ng Patay sila manang nagulat talaga kami kasi nakita pa namin sila kahapon , pangalawang araw pa namin dito pero may nangyari na agad na ganito pati din yung pagkamatay ni Dianne kaninang madaling araw .
Bakit ba to nangyayari , dapat masaya kami sa bakasyong to pero bakit ganito ang mga nangyayari .
Lumabas kami sa kwarto dahil nakakasuka na ang amoy .
Ng makarating kami sa sala biglang nag salita si Shania .
" Tsaka diba guys , pinag luto pa nga tayo ni manang kahapong tanghali " sabi niya sabay tingin samin.
" Oo nga ang sarap nga ng ulam kahapon eh may pa handa si mayor " sabat ni yumika ng pabiro
" Kung ilang araw na sila dun .. hindi kaya ... " Biglang usal ni cheska
Tumingin siya samin ng nanlalaki ang mata .
" G--guys anong klase ulit yung mga ulam natin kahapong lunch ?" Nanginginig na tanong niya .
" Sa pagkaka alala ko , bukod sa letchon , may afritada , adobo , at dinugu .... An " bigla akong natigilan ng may biglang pumasok sa utak ko . Hindi kaya .... Napatakbo ako sa kusina para makopirma .
Nang nasa kusina na ako , agad kong binuksan ang ref .
" Aaaaaaaaaaahhhh "
Ma--- may ...
" Aaaaaaaaaaahhhh " sigaw ng mga kaklase ko nakasunod din pala sila sakin.
" Ka-kaninong kamay at paa yan ?! " Gab.
" Hi--hin...di ko Alam " nanghihinang sabi ko saka napaupo sa sahig agad naman akong dinaluhan ni Vince .
" Babe okay ka lang ?! " Nag aalalang sabi niya .
" Okay lang ......ak--- "
Saka biglang nandilim ang paningin ko.
-----
Darylle's POV
Nang mawalan ng malay si cathlia agad namin siyang dinala sa kwarto nila andun din si Vince bnabantayan ang girlfriend niya na ngayon lang din namin nalaman .
Kaya pala binasted ako ni cathlia at kaya pala sobrang malapit sila sa isat Isa dahil sila na pala tsk !.
Andito kami sa kusina , nililinis namin ang ref .
" Nakakasuka talaga ang amoy !" Reklamo ni Kyle .
" Wag ka ngang mag reklamo dyan ungas tsk ! " Saway ni ethan . " Pero alam niyo pakiramdam ko hindi ako makakakain Mamaya nito ." Dagdag niya .
" Ako rin ata " sabi ko .
Kailan ba kami makakauwi at makaka alis sa bahay nato....
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Horrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?