Chapter 11

1.2K 33 0
                                    


Yumika's POV

Gabi na ng matapos mag linis ang boys sa kusina , yung iba naman nilibing ang mga katawan sa likod ng bahay tsaka nilinisan yung kwarto para maibsan ang nakakasukang amoy .

Andito kaming lahat sa sala kumakain ng haponan , syempre kahit nakakasuka pinilit pa rin naming kumain para hindi kami mamatay sa gutom .

Patapos na kaming kumain , nang magsalita si xyra ..

" Ahm guys .. paalala lang ulit , pag may kumatok huwag niyong bubuksan .. tsaka siguradohin niyo rin na naka lock ang mga bintana ng kwarto niyo para di na maulit ang nangyari gaya nung kay Dianne"mahabang sabi niya.


" Nasa sala naman kasi tayo nun xyra kaya nangyari yun kay Dianne baka may naiwang nakabukas na pinto sa likod ." Sabat ni haley.



" Alam ko pero mabuti na yung nag iingat " sabi ulit ni xyra.

Nagsitanguan lang kami , pagkatapos naming kumain ay nagsipuntahan na kami sa kwarto namin .

Kasama ko ang kambal na zelle .


" Hey twinny , yumi tabi nalang tayo tatlo , natatakot kasi ako eh " nakalabing sabi ni rinzelle bakas din sa mukha niya ang takot.



" Kayo nalang magkapatid mag tabi , baka kapag tumabi pa ako eh baka bumigay yang kama mo ." Birong sabi ko.

" Sigurado ka yumi ? " Tanong ni fritzelle

" Ou sige tulog na tayo " sabi ko sabay higa sa kama ko .


Papatayin ko na sana ang ilaw pero biglang umalma ang kambal.


" Wag ! Please wag mung patayin ang ilaw yumi natatakot ako " rinzelle.

" Ako din " fritzelle.

" Sige na nga , oh siya mag situlog na tayo" sabi ko sabay pikit ng mata ko , at dahil siguro sa pagod ay nakatulog agad ako.

-----

Nagising ako dahil may biglang humila ng kumot ko .

Bumangon ako at tiningnan yung kambal baka kasi nag popower trip naman , pero magtingin ko sa kanila ay mahimbing silang natutulog .

Tumayo ako para kunin ang kumot at nang hihiga na sana ako .



* Knock , knock , knock *

Bumaling ang tingin ko sa pinto .



" Sino yan " Tanong ko.

Ngunit walang sumagot .

Kumatok ulit ng tatlong beses ..


" Sino sabi yan eh ! Huwag nga kayong mangtitrip ng ganito ka a--" napatigil ako sa pagsasalita at biglang tiningnan ang cellphone ko .


3am ..

Hindi ako sumagot dahil nanginginig ang buong katawan ko . Halos pigil ang hininga kong pinapakiramdaman ang pinto .



May pumipihit ng doorknob . Pero laking gulat ko ng may nagsalita at kaboses ng kaklase ko.


" Yumi .. buksan mo ang pinto please .." sabi niya .


Sa hindi ko malaman na dahilan pumunta ako sa may pinto at binuksan ..


Pagtingin ko , wala namang tao , lumabas ako at tiningnan ko pa sa magkabilang gilid pero wala namang tao . Patalikod na ako ng biglang may matigas na bagay na ipinalo sa ulo ko dahilan para matumba ako .


Pilit kong inaaninag ang pumalo sakin pero di ko makita ang kabuoan ng mukha niya dahil sa buhok niya na nakatakip sa kalahati ng mukha niya .


Pero isa lang ang mas malinaw kong nakita .. isang manika at isang martilyo ang hawak niya malamang ay yun ang ginamit niyang pangpukpok sa ulo ko .

" Si---si--sin--no ka ?" Tanong ko sa kabila ng panghihina ko.


Tumawa muna ito bago umupo para magkatapat ang aming mukha .. at dun ko nakita ang mukha niya ...



Punong puno ng dugo ... Itim ang mga mata mapuputlang labi na may dugo pa gilid ang balat sakanyang mukha ay parang naagnas na ...




" Ako .... Ako ang magiging sundo mo ... " Sabi nito sabay hampas martilyo sa ulo dahilan para unti unting lumabo ang paningin ko .


Bago ako mawalan ng malay .. tiningnan ko muna ang pinto ng kwarto namin na nakabukas at tinanaw ang kambal na mahimbing na natutulog .



"Tulungan ...... Niyo ... A--"


*******






Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon