Chapter 4

1.4K 37 0
                                    


Yashin's POV

Nagising ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan . Yun bang feeling mo may nakatingin sayo habang natutulog ka .

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon lang kasi Ito nangyari sakin .

Bigla nalang nanayo ang balahibo ko . Aish ano ba to .. tiningnan ko ang kama ni Sam , Wala na siya dun pati rin si xyra Wala din , ako lang pala ang nandito .

Kaya tumayo na ako at nagbihis pagkatapos ay lumabas ng kwarto . Pag labas ko ang ingay pala nila may nag kakantahan kasi at nag tatawanan , sound proof siguro ang kwarto kaya di ko narinig .

Pagdating ko sa Salas umupo ako sa gitna nina Sam at amanda .

" Shinshin ,kumusta ang tulog mo ?" Tanong ni amanda .

" Ayos lang naman , siya nga pala Sam Anong oras ka nagising ? " Tanong ko 7:30pm na kasi pag gising ko .

" Hmm mga 6pm , gigisingin sana Kita kaso ang himbing ng tulog mo kaya lumabas nalang ako " sagot naman niya .

May bumabagabag kasi sakin eh .. yung nangyari kanina..

" Oy shinshin " nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Sam . Nakatulala na pala ako .

" Ah bakit ?"

" Halika na kakain na tayo " sagot niya naman at lumakad na papuntang hapag kainan sumunod naman na ako sa kanya .

Habang kumakain kain kami pansin kong parang may problema si xyra , tahimik kasi siya at para bang may malalim siyang iniisip .

Di ko nalang pinansin at nag patuloy sa pagkain .

Pagkatapos namin kumain , sinabihan kami ni xyra na may sasabihin daw siya samin . Kaya nag hintay kami sa sala dahil nag huhugas pa sila nina haley ng pinagkainan .


Ilang minuto ng matapos nila haley ang paghuhugas at nandito na din sila sa sala . Kompleto nakaming lahat .



" Xyra ano ba ang announcement mo " Tanong ni rinzelle .


" Ou nga xyra ano ba yun " segunda ni fritzelle .


Kambal nga naman ..
Umubo muna si xyra , clearing her throat .

" Ahm kasi ano .. ahm kasi .." xyra.


" Ipagpatuloy mo Chantal " sabat ni gab.


" Ahhh kasi guys .. bago kasi umalis si manang Marie kanina .. may sinabi kasi siya sakin na hindi ko Alam kung totoo " xyra .


" Ano ba yun Hanson , kanina pa Kita na papansin na parang may malalim kang iniisip .. ano bang sinabi ni manang ..." Sabi ko.



" Sabi kasi ni manang sakin .... Mag iingat daw tayo dito , tsaka kung may kumatok daw sa mga pinto ng kwarto natin ay wag daw natin bubuksan ". Sabi niya .



Kinakabahan tuloy ako .. bakit kaya , may kasama ba kami dito na hindi namin alam kung sino ?


*****





Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon